LESSON 3 Flashcards
PANITIKANG FILIPINO SA PANAHON NG PROPAGANDA HIMAGSIKAN
Anong taon nagsimula ang panahon ng propaganda at himagsikan?
1872-1898
Ang panahon na ito ay karaniwang tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal, nagkikintal ng pagkamakabayan at humihingi ng reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Ang Panahon ng Propaganda ay binubuo ng mga intelektuwal
o manunulat sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo
H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano
Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa.
Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod
ang layunin ng kilusang ito:
magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino
at Kastila sa ilalim ng batas;
gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas;
panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Kortes ng Espanya;
gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko; at
ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag,
pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng
kanilang mga karaingan.
NOT A QUESTION
Tagapagtatag ng Katipunanat itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.
A. Jose Rizal
B. Emilio Jacinto
C. Andres Bonifacio
D. Mariano Ponce
C. Andres Bonifacio
Ano ang dalawang tawag kay Andres Bonifacio bilang pinuno ng Katipunan?
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog”
Anong sanaysay ni Jose Rizal ang isinalin ni Bonifacio sa tula?
El Amor Patrio
Anong tanyag na tula ni Rizal ang unang isinalin ni Bonifacio sa Tagalog?
Ultimo Adios
Ano ang pamagat ng sanaysay ni Bonifacio na naglalarawan ng maikling kasaysayan ng Filipinas?
“Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”
Sino ang tinaguriang “Utak ng Katipunan”?
A. Jose Rizal
B. Emilio Jacinto
C. Andres Bonifacio
D. Mariano Ponce
B. Emilio Jacinto
Ano ang tawag sa dokumentong sinulat ni Jacinto na naglalaman ng mga aral at prinsipyo ng Katipunan?
Kartilya ng Katipunan
Ano ang pamagat ng katulad na akda ni Andres Bonifacio para sa Katipunan?
Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B
Anong dokumento ang sinulat ni Jacinto na opisyal na ikinabit sa panunumpa ng mga bagong kasapi ng Katipunan?
Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.
Anong koleksiyon ng mga sanaysay ni Jacinto ang tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra-kolonyalista ?
Liwanag at Dilim
Gumamit ng dalawang sagisag-panulat, Laong-laan (Amor Patrio) at Dimasalang (Masonry).Itinatag ang La Liga Filipina.
A. Jose Rizal
B. Emilio Jacinto
C. Andres Bonifacio
D. Mariano Ponce
A. Jose Rizal
Gumamit ng iba’t ibang sagisag panulat tulad ng Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat . Ilan sa kaniyang mga katha ang Dasalan at Tocsohan, Isang Tula sa Bayan , at iba pa.
A. Mariano Ponce
B. Pedro Paterno
C. Marcelo H. del Pilar
D. Graciano Lopez-Jaena
C. Marcelo H. Del Pilar
Kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”
A. Mariano Ponce
B. Pedro Paterno
C. Marcelo H. del Pilar
D. Graciano Lopez-Jaena
D. Graciano Lopez-Jaena
Isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya
Sumanib sa kilusang propaganda. Ang paksa ng kaniyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila.
Ginamit niyang sagisag-panulat ay Taga-Ilog
A. Antonio Luna
B. Jose Rizal
C. Mariano Ponce
D. Marcelo H. del Pilar
A. Antonio Luna
Naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
A. Marcelo H. del Pilar
B. Pedro Paterno
C. Graciano Lopez-Jaena
D. Mariano Ponce
D. Mariano Ponce
Isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda.
A. Marcelo H. del Pilar
B. Pedro Paterno
C. Graciano Lopez-Jaena
D. Mariano Ponce
B. Pedro Paterno
Itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na Jomapa . Kilala sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica” Photographic Memory
A. Pedro Paterno
B. Pascual Poblete
C. Jose Ma. Panganiban
D. Marcelo H. del Pilar
C. Jose Ma. Panganiban