LESSON 2 Flashcards
ANG PANITIKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
Ang panitikan sa panahon na ito ay pawang nasa anyo ng pabigkas gaya ng mga bulong,tugmangbayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula.
Panahon ng Katutubo
Bakit pasalindila?
Hindi pa lubos na nakikilala ang pagsusulat at kung mayroon man ay nasusulat ito sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makinis na bato.
Dalawang kapanahunan ng panahon ng matandang panitikan
Ang Kapanahunan ng mga Alamat
Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-Bayani
Sumakop sa panahong ito simula pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay
Ang Kapanahunan ng mga Alamat
Nagsisimula sa pali-palibot ng taong 1300 A.D., at nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong 1565A.
Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-Bayani
Sila ang mga unang naninirahan sa Pilipinas.
Wala silang kasanayan sa agham,sining, pagsulat at pamumuhay
Ang Mga Ita o Mga Negrito
Ayon kay Sauco (11), ang mga ____ ay gumagamit ng mga busog at pana sa paghahanap ng pagkain. Sinasabing wala silang kasanayan sa pagpapatakbo ng isang pamahalaan ngunit mahigpit ang bigkis ng kanilang pagsasamahan.
Ang Mga Ita o Mga Negrito
Kung ihahambing ang kalarakaran ng mga Ita sila ay mas angat kung pag-uusapan ay ang sistema ng pamahalaan.
Ang Mga Indonesyo
Nagsusuot sila ng damit, marunong gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng dalawang patpat ng tuyong kahoy.
Mayroon din silang sariling dalang panitikan kagayan ng mga alamat, pamahiin at mga epiko.
Ang Mga Indonesyo
Nagdala sila sa Pilipinas ng sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay na hinango sa sinakyan nilang balsa. Ang ikatlong pangkat ay napadpad sa Mindanao na kung saan nagdala sila ng epiko, alamat at kuwentong-bayan.
Ang Mga Malay
Kilala rin sila sa tawag na mangungusi sa kadahilanang inilalagay nila sa gusi ang namatay na kaanak at ibinabaon sa kanilang bakuran
Ang Mga Intsik na Manggugusi
Kilala ang unang pangkat na may pananampalatayang Beda at sinasamba nila ang Araw at ang Kalikasan. Ang ikalawang pangkat ay may pananampalatayang Bramin.
Ang Mga Bumbay (Indians)
Dumayo at naninirahan sa katimugan ng Pilipinas. Sa Mindanao at Sulu sila nagsipanirahan.
Mga Arabe at Persiyan
Mga Unang Alamat bago dumating ang Kastila
Ang pinagmulan ng Araw at Gabi
Ang Unang Laki at Babae
Ayon kay ____, isang manananaysay na Heswita, ang lahat ng Pilipino ay mahilig sa pagbabasa
at pagsulat maging babae o lalaki
Padre Chirino
Ano-ano ang epikong Ipugaw?
- Hudhud
- Alim
Nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa kalinangan ng mga Ipugaw at hinngil sa buhay ng kanilang bayaning si Aliguyan, na taga- Gonhandan.
Hudhud
Ipinaliliwanag sa____ang pagkalikha sa daigdig Inilalarawan ang kasaysayan ng kanilang lahi. May mga bahagi ng tulang ito na hanggang ngayon ay inaawit ng mga Ipugaw sa mga piling okasyon.
Hudhud
Natutungkol sa buhay ng bathala at sa mga kataka-takang pangyayari na ipinalalagay na langit ng Ipugaw.
Isa itong epikong panrelihiyon na kinakanta tuwing may pumanaw o mayroong sakit sa pamilya.
Alim
Ano-ano ang mga epikong Bisaya?
- Maragtas
- Haraya
- Lagda
- Hinilawod
- Hari sa Bukid
(MHL - HH)
Tungkol sa sampung datung Malay na tumatakas sa kasamaan ng Sultang Makatunaw ng Borneo at sama-samang nakarating sa Panay. Ang pulong ito ‘y binili nila sa haring Agta na si Marikudo. Tatlo sa sampung datu ang nagpatuloy hanggang Mindoro, Batangas at Laguna.
Maragtas
Katipunan ng mga tuntunin ng kagandahang-asal at ng mga salaysay na nagsisilbing halimbawa sa mga nasabing tuntunin.
Haraya
Katipunan ng mga salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng mabuting panunungkulan sa pamahalaan.
Lagda
Kasama sa “Lagda” ang balitang ________
Kodigo ni Kalantiaw
Tungkol sa Panay na pinagmulan ng Capiz, Iloilo at Antique Ito ay binubuo ng mga pakikipagsapalaran ng tatlong anak na lalaki ng bathalang babaing si Alusina at ng mortal na si Paubari.
Inaawit ito ng** isang hinukot sa mga kasalanan, anihan, pista, lamayan** at iba pang mahalagang okasyon.
Hinilawod
Salaysay na nahihinggil sa kapangyarihan ng isang hindi nakikita ngunit alam na nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa Negros. Ang haring ito’y parang bathala sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa.
Hari sa Bukid
Kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal at Datu Balkasusa ng Tayabas at ng Baing Talim
Kumintang (Tagalog)
Tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol.
Ibalon (Bikol)
Isa sa mga pinakamatandang epiko, sinasalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilocano ng isang bulag na manunulat na si Pedro Bucaneg
Biag ni Lam-Ang
Mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian. Patalinghaga ang mga nilalaman ng mga ito at pasalin-salin sa bibig ng mga tao.
Mga Salawikain
Isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang kaisipan.
Mga Bugtong
Ang mga sinaunang awit ay mga anyong tula ngunit nilalapatan ng tugtog at indayog ayon sa emosyon, kaugalian at himig ng pag-awit.
Mga Awiting Bayan
Ayon kay Epifanio De los Santos Cristobal, ang mga uri ng awiting bayan (folk songs) noong araw ay ang sumusunod:
Soliranin (rowing songs)
Talindaw (boat songs)
Diona (nuptial or courtship)
Ayayi o Uyayi (lullaby)
Dalit (hymns)
Kumintang (war or battle songs)
Sambotani (victory songs)
Kundiman (love songs)