KPWKP, 03 Handout 1 Flashcards
Ito ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali ng ibang tao
Regulatoryo
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraang pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang
loob; paggawa ng liham pangkaibigan; at iba pa.
Interaksiyonal
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Heuristiko
Ito ang tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao na
makipag-ugnayan sa iba gamit ang iba’t ibang instrumento
Instrumental
Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Personal
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplo na magpapatunay rito ay ang kuwento ni Tarzan.
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan