Komunikasyon at Pananaliksik Q1 Flashcards
- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
Gleason (1961)
- ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita
- nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura
Finnochairo (1964)
- ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao
Sturtevant (1968)
- ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao
- ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
Hill (1976)
- set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao
Brown (1980)
- ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar
- ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag
Bouman (1990)
- ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad
Webster (1990)
- ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe
- simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal
Bernales et al. (2002)
- mahalaga ang wika sa pakikipagtalastan
- ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sapagkakaunawaan
mangahis et al. (2006)
- ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraanng pagsasama-sama
Constantino at Zafra
- ang wika ay parang hininga
- gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin
Bienvenido Lumbera
- sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan
Alfonso o. Santiago. (2003)
- may pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon “daan sa pagkakaunawaan”
- nalalaganap ang kultura ng bawat grupo ng tao
- malaya at may soberanya
- lingua franca - filipino
→ tulay para magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit
May Sariling Wika
- walang saysay ang sangkatauhan
- magdudulot ng pagkabigo ng sangkatuhan
Pagkawala ng Wika
- bawat wika ay may kanya-kanyang mahahalagang tunog o ponema
- nagtataglay ng kahulugan at may kakayahang magbago ng kahulugan
Sinasalitang Tunog
- upang magkaintindihan ng kausap
Pinipili at Isinasaayos
- “ang isang taong walang ugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga
naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan”
Arbitraryo
- hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura, sapagkat nasasalamin ang kultura ng isang bansa
Nakabatay sa Kultura
- patuloy na nag-i-evolve at nag-a-adapt sa mga pagbabago sa lipunan, teknolohiya, at kultura
dinamiko o nagababago
- filipino ay ang pambansang wika ng pilipinas na may konstitusyonal na batayan.
- artikulo XIV, seksyon 6 ng konstitusyon ng 1987
- apat payabungin at pagyamanin batay sa mga umiiral na wika sa pilipinas at iba pang mga wika
Wikang Pambansa
- ayon sa artikulo IV, seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay filipino, at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, ingles.
Wikang Opisyal
-konstitusyon ng 1987 artikulo XIV, seksiyon 6, nakasaad na, “alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”.
Wikang Panturo
- kakayahang makapagsalita ng dalawang wika
- maaaring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad.
Bilingguwalismo
- kakayahang makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika
Multilingguwalismo
- uri ng wika na may pagkakapare-pareho sa estruktura, anyo, at paggamit
- minimal na baryasyon
- ideal concept o bihirang matagpuan sa totoong buhay
Homogenous
- uri ng wika na nagpapakita ng iba’t ibang anyo, estruktura, o paggamit
● diyalekto - batay sa heograpikal na lokasyon.
● sosyal na barayti - batay sa sosyoekonomikong kalagayan, edukasyon, at iba pang aspekto ng lipunan
● register o rehistro - batay sa konteksto ng paggamit tulad ng formal at informal na wika, teknikal na jargon, at iba pa
Heterogenous
- ang varyasyon ay ang mga linguistic systems na nakapaloob sa wika
Varyasyon
- varayti naman ang tawag sa isang set ng mga linguistic systems na may magkakaparehong distribusyon
- fleksibol o walang tiyak na limitasyon
Varayiti