KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Flashcards
REVIEWER
Ugnayan ng tao na nagpapainog ng sibilisasyon, sistemang kinapapalooban
ng wika at dayalekto; intrapersonal at interpersonal
KOMUNIKASYON
Pagdiskubre at pag-aaral ng mga bagong ideya sa loob ng isang sistematikong
paraan; sinusubok ang kritikal na pag-iisip
PANANALIKSIK
Nagprepresenta ng isang sibilisasyon, basehan ng pagkakakilanlan/identidad ng isang
guro o indibidwal, gumagamit ng mga salita at parirala.
WIKA
Paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao sa isang lipunan.
KULTURA
Ang salitang Latin na _____ ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe.”. Ito ang pinagmulan
ng salitang Pranses na ______ nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging _____ na
siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles.
lingua-dila at wika o lengguwahe
langue- dila at wika-language
language-lengguwahe
Ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon
HUTCH (1991)
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin
EDWARD SAPIR
Ang wika ay pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng
mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa tao. Ito ay binubuo ng mga saliata, parirala, at
pangungusap.
DR. JOSE VILLA PANGANIBAN
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
HENRY GLEASON
Ang wika, ang una at pangunahing pamanang pangkultural ng bawat pangkat
ng tao, pinakamahalaga ito sa lahat ng tinatawag natin na intangible cultural heritage.
VIRGILIO ALMARIO
ang pinaka maliit na yunit ng isang tunog, o makabuluhang tunog
PONEMA
ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS
salita o pinakamaliit na yunit ng salita
MORPEMA
Tanging ang sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa
tao ang maituturing na wika.
ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG
ang wika ay pinili at isinaayos sa paraang pinagkasunduan sa isang pook. Ang pagbabagong naganap ay dala marahil ng impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay
ng isang bansa dahil sa pampulitika, panlipunan o pang-ekonomiyang karanasan
ANG WIKA AY ARBITARYO
ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao
ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya. Patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya
kailangang magbago rin ang ortograpiya at alpabeto maging ang sistema ng palabaybayan
ANG WIKA AY NAGBABAGO
ang bawat wika ay may sariling set ng tunog, mga yunit
panggramatika at sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa
ANG WIKA AY NATATANGI
ito ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
* Tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
* Ngarud salitang Ilokano na ang ibg sabihin ay “nga”
* Manong at manang salitang Ilocano na ibig sabihin ay “kuya at ate”
* Ambot salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “ewan”
LALAWIGANIN
tatlong uri ng di-pormal na salita
balbal, kolokyal at lalawiganin
mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa
mga kakilala o kaibigan.
MGA SALITANG DI-PORMAL
mga salitang di-pormal na ginagamit sa pang-araw- araw
na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkaltas ng ilang letra upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
KOLOKYAL
ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
Amerikano - Kano
Pera - Datung
Tigas - Astig
Sigarilyo – Yosi
Ama - Erpats
BALBAL (SLANG)
mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga
nakapag-aral sa wika. Ito’y ginagamit sa mga panayam, gawaing- kapulungan, sa mga aklat at mga
sulating pang-intelektwal.
MGA SALITANG PORMAL
dalawang uri ng pormal na salita
pampanitikan at pambansa
ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla.Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan.
PAMBANSA
ito ang pinakamataas na uri ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng mga idyoma o tayutay. Kadalasang ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at
mananaliksik.
Halimbawa:
Mabulaklak ang dila-magandang manalita
Di-maliparang – uwak - siksikan
Kaututang- dila - kakwentuhan
Kahiramang suklay – kaibigan
PAMPANITIKAN
ang katawagan sa pag-aaral ng mga eksperto sa wika.
LINGGUWISTIKA
ang wika ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
MANGAHIS ET. AL
(2005)
ito ay may napakahalagang papel sa iba’t ibang bansa. Ito ang sumasalamin sa
kultura, paniniwala, karunungan at damdamin ng mga mamamayan sa isang bansa.
WIKA
ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika
ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
MONOLINGGUWALISMO
Ayon kay ________ dapat gumamit ng karaniwang salita upang masabi ang
karaniwang bagay.
ARTHUR SCHOPENHAUER
Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.
Maaaring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan
ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa dalawang
wika
BILINGGUWALISMO
tawag sa taong may iisang wika lamang ang ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang
tao. Sa anumang talastasan kailangan ang isang wika na maging tulay sa pakikipagtalastasan, wika ng
komersyo, wika ng negosyo at wika sa pang-araw-araw na pamumuhay.
MONOLINGGUWAL
ibig sabihin ay dalawa (2)
BI
ang lingguwal ay nangangahulugang?
LINGGUWAHE O WIKA
tawag sa taong may kakayahan na makapagsalita at makaintindi ng higit sa isang wika
BILINGGUWAL
Mga dahilan ng Bilingguwalismo:
- GEORRAPHICAL PROXIMITY
- RELIHIYON
- HISTORICAL FACTORS
- PUBLIC OR INTERNATIONAL RELATIONS
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at
makapagsalita ng iba’t-ibang wika
MULTILINGGUWALISMO
Tinatawag na _____________ang isang tao dahil sa kakayahan niyang magsalita o
umintindi ng wikang Filipino, Ingles at iba pa.
MULTILINGGUWAL
Mga bansang MultilingguwaL
BOLIVIA, INDIA, BELGIUM, SWITZERLAND, LUXEMBOURGH
ang bansang ito ay mayroong 23 na opisyal na wika na pangunahin ang Hindi, na tinatayang apat napung
porsyento ang Malayan, Tamil, Kannada at ang Telugu.
INDIA
ayon sa pag aaral ang bansang ito ay mayroong 36 na minoridad na wika
BOLIVIA
ang bansang ito ay mayroong tatlong opisyal na wika ang Dutch French at German.
BELGIUM
ang bansang ito ay mayroong apat na pangunahing pambansang wika ito ay ang
German,French,Italian at Roman.
SWITZERLAND
ang bansang ito ay may tatlong opisyal na wika. Ito ay ang mga Luxembourgish, French, at
German.
LUXEMBOURGH
MTB – MLE:
MOTHER TONGUE BASED MULTI LINGUAL EDUCATION
isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas. Ito’y naglalayong gamitin ang local na wika sa isang lugar bilang primaryang wika sa pagtuturo upang mapadali ang pag-aaral para sa mga katutubo at para makabuo ng pagmamahal mula sa mga katutubo sa sarili nilang wika at kultura
MOTHER TONGUE BASED MULTI LINGUAL EDUCATION
Ang MTB- MLE ay ang paggamit ng pangunahing wika,
12 Major Mother tongues
a. Iloko b. pangasinan
c. kapampangan d.tagalog
e. bikol f. waray g. hiligaynon
h. cebuano i. meranao j.chavacano k. maguindanaon
l. tausug