Gamit ng Wika Flashcards
Ano ang mga gamit ng wika?
Instrumental, regulatori, impormatibo, interaksyonal, personal, heuristik, at imahinatibo.
Ano ang instrumental?
Ang wika ay ginagamit para sa sariling kapakanan. Maaari ito ang pag-uutos, pakikiusap, paghihingi, pagmumungkahi, atbp..
Ano ang regulatori?
Ang wika ay ginagamit para kontrolin ang mga pangyayari o tao sa paligid.
Ano ang representasyonal/impormatibo?
Ang wika ay ginagamit para makabahagi ng impormasyon o detalye.
Ano ang interasksyonal?
Ang wika ay ginagamit para sa pagpapanatili ng relasyon ng tao sa kanyang kapwa o sa ibang tao.
Ano ang personal?
Ang wika ay ginagamit para maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling opinyon, pananaw, o damdamin.
Ano ang heuristik?
Ang wika ay ginagamit upang makapagtamo ng impormasyong bago o akademiko.
Ano ang imahinatibo?
Ang wika ay ginagamit sa paglalahad ng damdamin sa malikhaing paraan. Ito ay makikita at mailalapat (applied) sa pagsusulat o pagbigkas ng akdang pampanitikan.