Antas ng Wika Flashcards
Ano ang mga antas ng wika?
Pormal at Impormal
Ano ang pormal na antas na wika?
Ito ay ang mas tanggap na wika sa paaralan at pormal na okasyon. Ito ay tinatanggap ng bansa/mundo.
Ano ang mga uri ng pormal na wika?
Pambansa at pampanitikan
Ano ang pambansang wika?
Ito ay ang mga salita sa diksyunaryo. Ito ay ang wikang opisyal at pambansa.
Ano ang wikang pampanitikan?
Ito ay hindi literal. Ito ay ginagamit ng mga tayutay at idyoma, at dahil dito, ang wikang pampanitikan ay makulay, malalim, at mayaman.
Ano ang impormal na wika?
Ito ang wika na madalas ginagamit araw araw. Ito ay karaniwan at ginagamit sa pakikipag talastasan at pakikipag-usap.
Ano ang lalawiganin?
Ito ang wika na karaniwan sa isang lugar, ngunit hindi maiintindi ng iba (mga diyalek). Ang mga ito ay galing sa probinsya o sa salitang lokal. Hindi ito pormal dahil ang pormal na wika ay dapat tinatanggap ng mundo o bansa.
Ano ang balbal?
Ito ang mga slang. Kadalasang nakabaliktad o naimbento ang mga ito. Ito rin ang pinakambabang antas ng wika.
Ano ang mga uri ng impormal na wika?
Lalawiganin, kolokyal, balbal, at bawal.(LKBB)
Ano ang kolokyal?
Ito ang mga salitang pinaikli. Ito ay hinalaw (derived) sa pormal na mga salita.
Ano ang bawal?
Ito ang mga salitang bulgar at pinababawal. Kadalasang ito ay tumutukoy sa mga salitang katumas sa bahaging sekswal o pagmumura.