Barayti ng Wika Flashcards
Ano ang dalawang dahilan sa barayti ng wika?
Dahil sa heograpiko (dimensyong heograpiko) at sosyal/lipunan (dimensyong sosyal).
Ano ang dimensyong heograpiko?
Ang dimensyong heograpiko ay nagsasaad na ang barayti ng wika ay dahil sa lugar/lokasyon.
Ano ang dimensyong sosyal/sosyolohikal?
Ang dimensyong sosyal ay nagsasaad na ang barayti ng wika ay dahil sa social status/panlipunan.
Ano ang uri ng barayti ng wika ay nasa dimensyong heograpiko?
Dayalek/Diyalekto
Ano ang dayalek?
Ito ang uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa partikular na lugar o rehiyon. Ang mga dayalek ay may ibang ekspresyon o accent, pero ang wika ay pareho pa rin.
Ano ang uri ng barayti ng wika ay nasa dimensyong sosyal?
Idyolek, sosyotek, register, at jargon. (ISRJ)
Ano ang sosyolek?
Ito ang wika ng partikular na sosyal na grupo. Maaaring ito nakabatay sa antas sa lipunan (social status) o sa pangkat na kabibilangan.
Ano ang idyolek?
Ito ang kani-kaniyang paraan sa paggamit ng wika. Lahat ng tao ay may sariling idyolek na pinadala ng kanilang karanasan at personalidad.
Ano ang register?
Ito ang wikang ginagamit depende sa kontektso at kausap.
Ano ang jargon?
Ito ang mga partikular na teknikal na wika na ginagamit ng isang partikular na grupo o propesyon.