Billingguwalismo/Unang at Ikalawang Wika Flashcards
Ano ang billinguwalismo?
Tumutukoy sa pantay na kahusayan sa dalawang wika.
Ano ang multilingguwalismo?
Tumutukoy sa pantay na kahusayan sa tatlo o higit pang wika.
Ano ang unang wika?
Kinamulatan at natural na ginagamit ng isang tao. Ang wika na ito ay ang mas gusong gamitin ng tao o ang dominanteng wika ng pamayanan.
Ano ang mga hirap sa pagkatuto ng unang wika?
Hirap na konseptal at hirap na pormal.
Ano ang hirap na konseptwal?
Ito ang hirap sa pagiintindihan ng mga salita o hirap sa ideya.
Ano ang behaviorist ni B.F Skinner (1957)?
Nagsasaad na ang pagkatuto ng wika ay isang “nabubuong ugali.” Ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, pagbibigay ng gantimpala, pag-uulit ng salita, pagkakatulad sa pagsasalita ng matanda.
Ano ang mga teoryang pangwika?
Behaviorist ni B.F Skinner (1957) at Nativist ni Noam Chompsky (1957)
Ano ang hirap na pormal?
Ito ang hirap sa grammatika/tuntuning pangwika.
Ano ang Nativist ni Noam Chompsky(1957)?
Nagsasaad na mayroong natural na kakayahan na matuto ng unang wika ang mga tao.
Ano ang ikalawang wika?
Ang wikang natutunan pagkatapos ang unang wika. Ito ay madalas ang wika na ginagamit para sa pormal na konteksto (paaralan, trabaho, atbp…)
Ano ang mga paraan ng pagkatuto ng ikalawang wika?
Impormal, pormal, at magkahalong pagkatuto.
Ano ang magkahalong pagkatuto?
Nagaganap ang parehong pormal at impormal.
Ano ang impormal na pagkatuto?
Nagaganap sa likas ng kapaligiran.
Ano ang pormal na pagkatuto?
Nagaganap sa paaralan o sa organisadong pag-aaral (maaring online o face to face)
Ano ang mga yugto sa pagkatuto ng ikalawang wika?
Panimulang yugto, panggitnang yugto, at panghuling yugto.