G10 Yunit 14 Mullah/Anekdota Flashcards
isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao
anekdota
Ito ay maikling kuwento patungkol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral o mensaheng may mabigat impresyon sa mambabasa o tagapakinig
anekdota
Mga Katangian ng Mabisang Anekdota
May (isang paksang tinatalakay). Ang buong salaysay ay dapat na nabibigyan ng ebalwasyon batay sa diwa nito.
Nagdudulot ng (ganap na pagkaunawa) sa kaisipang nais nitong ihatid. Nakatago man ang diwa nito, payak pa rin ang pagkakalahad nito sa kuwento na dapat ay hindi mapagkamali ng mga mambabasa. (Wala itong layunin na lituhin ang mga mambabasa).
Elemento ng Anekdota
Abstrak Oryentasyon Tunggalian Resolusyon Koda Ebalwasyon
Ito ang paunang pagpapakilala sa anekdota.
Abstrak
Ito ay naglalarawan sa eksena ng kuwento at pagtukoy kung kailan ito naganap at kung sino ang mga tauhang sangkot dito.
Oryentasyon
Ito ang pangunahin at pinakamahalagang pangyayari sa kuwento na nakatatawag ng pansin at nagiging kawili-wiling basahin ang isang anekdota.
Tunggalian
Ito ang bahagi na naglalahad kung paano humantong sa wakas ang kuwento. Kadalasan ay hindi ito lantad sa kuwento, bagkus ay hinahayaan ang mga tagabasa o tagapakinig na pag-isipan o buuin nito.
Resolusyon
Ito ang hudyat ng pagtatapos ng kuwento at ibinabalilk ng tagapagkuwento ang tagapakinig sa kasalukuyan.
Koda
Ito ay paglalahad ng tagakuwento ng mahahalagang puntos sa anekdota at ng dahilan kung bakit mahalaga ang kuwentong ito.
Ebalwasyon
Hindi lahat ng anekdota ay nagtataglay ng lahat ng elementong ito. Ngunit palagi itong nagtataglay ng elementong ebalwasyon sapagkat dito nasusukat ang kahalagahan ng anekdota sa pagbibigay ng aral.. 5
5
maylapi
unlapi
gitlapi
hulapi
tumutukoy sa kahusayan ng isang manunulat sa balarila ng isang wika, sa tamang paggamit ng mga bantas, at sa pagbabaybay ng mga salita
Kahusayang Gramatikal
Kinakailangan ito upang maging maayos at kaaya-aya ang anumang akdang isusulat o isasalaysay
Kahusayang Gramatikal
Malimit na ang maling paggamit ng mga bantas, walang kawastuhang pagbabaybay, at hindi angkop na pagpili ng mga salita ay nakasisira sa kagandahan at nakagugulo sa diwa ng isang pahayag
Kahusayang Gramatikal