Filipino sa Piling Larangan Flashcards
Lesson 1
Ito ay isang ebalwasyon ng mga inihaing mga proposal o aksiyon kaugnay sa mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon ng mga bagay sa trabaho.
Feasibility Study
Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibility Study
- Maisasagawa o hindi
- Isang makabuluhang impormasyon at datos na makakatulong sa pagbuo ng desisyon
- Maaaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang maisagawa ang isang ideya.
Mga Uri ng Feasibility Study
- Deskripsiyon ng proyekto
- Market Feasibility
- Technical Feasibility
- Financial/Economic Feasibility
- Organizational/Managerial Feasibility
Tinutukoy nito ang kalidad at uri ng produkto o serbisyong inihahain at kung maaari itong isagawa para sa isang partikular na larangan, grupo o negosyo.
Deskripsiyon ng proyekto
Binibigyang-pasin sa pag-aaral na ito ang merkado (mga posibleng customer), ang laki at lawak nito, potensiyal nito, ato akses dito.
Market Feasibility
Sinusuri sa pag-aral na ito ang laki at uri ng mga pasilisidad, pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na material kailangan ng negosyo
Technical Feasibility
Tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, inga halagang kailangan upang makabawi (break-even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.
Financial/Economic Feasibility
Ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo
Organizational/Managerial Feasibility
Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study
- Ehekutibong buod
- Produkto/Serbisyo
- Presyo at Posibleng Kita
- Plano para sa susunod na aksiyon
- Pangkalahatang pagtingin sa negosyo
- Puhunan o Kapital
- Rekomendasyon
Ang pinakalayunin nito ay tawagin ang pansin ng mambabasa. Sa pagsulat nito, ibinibigay ang maikli at malinaw na pangkalahatang pagtingin ng mahahalagang punto para sa bawat bahagi ng plano ng negosyo. Huli itong isinusulat at hindi dapat hihigit sa dalawang pahina.
Ehekutibong buod
Ang produkto ay kahit anong nahahawakan (tangible) maaaring magamit at maubos (consumable) na ginagawa o pinoprodyus at ibinebenta sa publiko. Ang serbisyo naman ay mga gawaing ibinibigay o inilalaan para sa mga tao. llarawan ang mga benepisyo ng produkto o serbisyong inihahain mula sa pananaw ng mga kustomer.
Produkto/Serbisyo
Magkano pepresyuhan ang produkto o serbisyong inilalako? Kinakailangan na ang presyo ay sapat upang mapunuan ang mga gastusin (expenses).
Presyo at Posibleng Kita
Ipinapakita ba ng plano na ang ideyang nais gawin ay may halaga at maisasagawa?
Plano para sa susunod na aksiyon
Tiyakin kung ano ang tawag dito, paano ito gagawin, paano o naiba saiba pang negosyo, at sino ang bibili. Hindi sapat na sabihin lamang na ito ay isang “serbisyo para sa komunidad” o isang “kapehan para sa kabataan”.
Ideya
Kinakailangan ng mga tao para mailatag ito. Sino-sino sila? Ano ang kanilang mga kakayahan at kalakasan? Nakatutulong o nakahahadlang ba ang kanilang pinagmulan sa panukalang negosyo? Lumikha ng isang pahinang resumé para sa bawat tao.
Mahahalagang Tao
Dito inilalahad ng negosyante ang dahilan kung bakit nais niyang simulan ang negosyo. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang mga short-term (isang taon pababa), medium term (isa hanggang tatlong taon) at long term (higit sa tatlong taon) na layunin o goals.
Mga personal na layunin
Mayroon bang merkado a malalaking grupo ng tao at antas sa lipunan na maaaring tamangkilik sa ideya o produkto ng iyong negosyo? Mapapatunayan ha do? larawan ang merkado pagdating sa dami ng mga intensibong pananaliksik at ito ang pinakamahirap na bahagi, ngunit ito rin ag pinakamahalaga. Mahalaga ring banggitin dito kung sino ang target market ng organisasyon o negosyo.
Ang Merkado
Sino ang mga potensiyal na kustomer? Sino ang indibidwal na bibili sa iyo? Ano ang kaniyang mga gusto, pangangailangan at demograpikong katangian? Gumawa ng listahen ng mga ito. Isama rin ang mga dahilan kung bakit sila bibili ng negosyong pinaplano. Tukuyin ang market segments o grupo ng mga taong posibleng tanangkilik ng negosyo.
Kostumer
Ito ay ang tunggaliang pangnegosyoo pampinansiyal ng mga negosyo. Ilista ang mga posibleng kakompetensiya at ang kanilag mga kalakasan at kahinaan.
Kompetisyon
Dito matatagpuan ang pagtingin o pagtanaw sa mga kakailanganin sa negosyo na makaapekto sa pangkalahatang kalagayan o kita nito, tulad ng lugar kung saan itatayo ang negosyo at mga plano kaugnay dito.
Pangkalahatang pagtingin sa negosyo
Sa pagkakalkulakung magkano ang kailangang puhunn paghandaan ang hanggang anim (6) na buwang pondo. Ito ay dahil maaaring hindi pa makabawi sa benta (sales) mula sa pagkakaroon ng utang (credit), sa pamumuhunan ng labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bayarin o gastusin (overheads).
Puhunan o Kapital
Mula sa isinagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng isang negosyo, mahalagang banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong ituloy o hindi. Nararapat na ito ay maging tapat, maikli at direkta.
Rekomendasyon
Tukuyin kung saan ang lokasyon, lugar, o puwesto ng negosyo at kung bakit doon ito itatayo. Rerentahan ba ito, bibilhin, pagmamay-ari na, o sa bahay lamang? Tukuyin din ang mga bentahe at disbentahe ng lokasyon.
Lokasyon
Buuin ang: (a) plano ng lugar na pagtatayuan, (b) ang arkitektural na plano ng itsura ng lugar, at (e) ang mga kagamitang bibilhin para sa negosyo.
Site plan, floor plan, assets