Filipino Quiz 2: Sanaysay Flashcards
Isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda.
Sanaysay
Isa itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
Sanaysay
Sanaysay. Kalimitang _______ at nasa anyong tuluyan.
personal
Ang akademikong pagsulat tulad ng pagsulat ng sanaysay ay maaaring maging ____________.
kritikal na sanaysay
Ang sanaysay bilang sulating pang-akademiko ay isang ___________ na pagsulat dahil layunin nito pataasin ang antas ng kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
intelektwal
Ano ang dalawang uri ng sanaysay?
maanyo (pormal) at palagayan (di-pormal)
Uri ng Sanaysay. Nangangailangan ng maingat, maayos, at mabisang paglalahad ng mga kaisipan.
Maanyo o Pormal
Uri ng Sanaysay. Pinipiling mabuti ang pananalita at ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral.
Maanyo o Pormal
Uri ng Sanaysay. Seryoso ang ganitong uri ng sanaysay at maingat na inilalahad ang tinatalakay na isyu.
Maanyo o Pormal
Uri ng Sanaysay. May mga sanggunian o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad.
Maanyo o Pormal
Uri ng Sanaysay. Tila nakikipag-usap, pansarali ang himig, at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag.
Palagayan o Di-Pormal
Uri ng Sanaysay. Layunin ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Maaaring paksain ang anuman lalo na ang kaugalian ng tao sa isang masaklaw na paglalahad.
Palagayan o Di-Pormal
Uri ng Sanaysay. Dahil sa pamamaraang masaya at masigla, ang sanaysay ito ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin.
Palagayan o Di-Pormal
Akdang sulat na naglalaman ng mensahe, pananaw, o ideya ng may akda tungkol sa isang paksa.
Sanaysay o Essay
Mga Dapat Tandaan.
- pagpili ng tiyak na paksa
- pagpormula ng isang thesis statement
- pagtatakda ng isang conceptual framework
- paggawa ng banghay
- pagsulat at pagrebisa
[ano ang konsepto?]
- Pokus sa Proseso