Filipino Quiz 2: Lakbay Sanaysay Flashcards
Ito ay nagbibigay ng ideya sa mga manlalakbay ng inaasahang makita, mabisita, madanas at makain sa isang lugar.
lakbay-sanaysay
Posible itong magbibay ng iteneraryo o iskedyul ng pamamasyal sa bawat araw ng biyahe at ang posibleng magiging gastos sa bawat aktibidad. Malaki ang tulong sa mga taong nagpplanong magbakasyon.
Lakbay-sanaysay
Isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa kanyang sarili at sa lugar na pinuntahan.
Lakbay-sanaysay
Ang lakbay-sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa _______
sarili
Lakbay-sanaysay.
a. Layunin ay makapagbigay ng insight at kakaibang ________ tungkol sa isang destinasyon.
b. Kailangang ________ ang mambabasa na danasin at bisitahin ang lugar na isinulat.
a. anggulo
b. mahikayat
Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa isang _________.
Ang tuon ay ang lugar na pinuntahan. Ano-ano ang mga kilalang destinasyon? Pati na rin ang mga pagkain, arkitektura, lungsod, at paglalarawan ng naramdaman sa lugar.
lugar
Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa ____________.
Kamusta ang mga tao sa iyong pinuntahan? Ano ang mga nagustuhan mong karanasan na kasama sila? Sino-sino ang nakasama mo? Kumusta ang naging relasyon?
ibang tao
Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa ___________.
Paano ka kumilos sa lugar na pinuntahan? Ano ang natuklasan mo? Paano ka nabago ng paglalakbay? Ano ang natutunan at ginawa roon? etc.
sarili
Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.
Lakbay-sanaysay
Ayon kay ________, ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
Patti Marxsen sa “The Art of the Travel Essay”
Anyo ng Lakbay-Sanaysay. Mga seryosong paksa. Masusi at masuring pananaliksik ng taong sumusulat.
Pormal
Anyo ng Lakbay-Sanaysay. Karaniwan, personal, at pang-araw-araw na mapang-aliw para sa mga mambabasa. Karanasan ayon sa anomang paksa.
Di-Pormal
Ano ang limang elemento ng lakbay-sanaysay?
- Tema at Nilalaman
- Anyo at Istruktura
- Kaisipan
- Wika at Estilo
- Larawan ng Buhay
Elements LS. Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Tema at Nilalaman
Elements LS. Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
Anyo at Istruktura