FILIPINO Flashcards
proseso ng pang-aayos, at pag-unawa ng mga impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan?
pagbasa
alin sa mga aspekto ng pagbasa ang gumagamit ng mata upang makita at makilala ang mga imahe at simbolo?
pisyolohikal
anong aspekto ng pagbasa ang naglalahad ng wika at napakahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan?
komunikatibo
Ito ang paggalaw ng mata upang balik-balikan at suriin ang binabasa
regression
Dito tumatama ang imahe at simbolo tuwing nagbabasa
retina
Ito ang pagtitig ng mata upang kilalanin at intindihin ang teksto
fixation
Ito ang paggalaw ng mata mula sa simula hanggang sa dulo ng binabasang teksto
return sweeps
Alin ang HINDI kabilang sa antas ng pagkaunawa?
a. pag-alam sa malalim na kahulugan
b. paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa
c. pagbibigay-kahulugan sa binasa
d. paghuhusga o patatasa sa nilalaman ng teksto
A.
ano ang tamang hakbang sa pagbabasa?
pagkilala- pag-unawa- reaksyon- pag-uugnay
Ito’y kaalaman sa pagsasanib at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong kaalaman o karanasan sa tunay na buhay.
pag-uugnay
Ito ay proseso ng pagpapasya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto.
reaksyon
Anong teksto ang may layuning ilarawan ang katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, at iba pa?
deskriptibo
Anong teksto ang may layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa?
impormatibo
Ito ay uri ng teksto na pupukaw sa damdamin ng mga mambabasa na umayon sa ideyang inilalahad.
persweysib
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng tekstong impormatibo?
A. nobela
B. maikling kuwento
C. patalastas
D. pananaliksik
D. pananaliksik
Ang sumusunod ay halimbawa ng tekstong deskriptibo, MALIBAN sa:
A. dula
B. pabula
C. balita
D. tala-arawan
c. balita
Sa paglipas ng panahon, malaki ang naging pagbabago at malawak ang pag-unlad sa larangan ng teknolohiya.” Ang pahayag na ito ay naglalarawan ng anong paraan ng paglalarawan?
karaniwang paglalarawan
“Pasok ko sa daigdig sa twing ako’y may problemang kinakaharap.” Ito ay halimbawa ng anong paraan ng paglalarawan?
masining na paglalarawan
Ito ay isang tayutay sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
pagwawangis
Aling pahayag ang halimbawa ng paghihimig?
A. Malakas ang dagundong ng kulog.
B. Naghahabulan ang malalakas na buga ng hangin.
C. Ang lungkot ng iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.
D. Sumasayaw ang mga kawayan sa hampas ng hangin.
A.
Anong tayutay ang tumutukoy sa sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
pagmamalabis
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng tayutay na pagtutulad?
A. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
B. Sumasayaw ang mga kawayan sa hampas ng hangin.
C. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito.
D. Ikaw ay kasiningningning ng mga bituin sa gabi kong madilim.
D. Ikaw ay kasiningningning ng mga bituin sa gabi kong madilim.
Anong tayutay ang tumutukoy sa paglalarapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na walang buhay?
pagsasatao
Aling elemento ng tekstong nanghihikayat ang tumutukoy sa karakter o imahe ng manunulat?
ethos