FILIPINO Flashcards
Naririnig sa radio bilang isang program ana layuning mag-ulat at idokumento ang mga napapanahong balita o pangyayari sa bansa
Dokumentaryo sa Radyo
Radio network na bahagi ng Florete Group of Companies
Bombo Radyo Philippines
Salitang Espanyol para sa tambol (bass drum)
bombo
Propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman na nagsabing “ang wika ay hindi lamang tagapagpahayag kundi impukan-kuhanan din ng kultura
Zeus Salazar
Propesor at mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman na nagbigay ng iba’t-ibang paraan sa pagsuri ng kaugnayan ng ating kultura sa wikang Filipino
Galileo Zafra
Lutuin na may iba’t-ibang sahog na gulay; niluluto sa pamamagitan ng pagpapakebbet
Pinakbet (Ilokano)
Isang uri ng pag-iihaw ng manok
Inasal (Hiligaynon
Nakakapresko o nakakaginhawang hangin, pagiging komportable o maginhawa
Hayahay (Cebuano)
Hagdan-hagdang palayan
Payyo (Ifugao)
Pilipinong bersyon ng comics
Komiks
Inilarawan na ang komiks ay “Serye ng grapikong imahen na may kakaibang mga lobo sa loob ng mga kuwadro at binabasa mula kaliwa pakanan upang malaman kung ano ang isinasalaysay ng kwento”
Soledad Reyes
Sinipi si Will Eisner na naglarawan sa comics bilang “sequential art” o isang uri ng sining-biswal na magkakaugnay upang makapagbigay ng mensahe o kuwento
Scott McCloud
Bahaging prominenteng nakalimbag at naiiba ang font; kadalasang naglalaman ng pangalan ng may-akda at ng ilustrador
Pamagat ng kuwento
Naglalaman ng tiyak na tagpo sa kuwento; kinapapalooban ng grapikong imahen, salaysay, at usapan
Kuwadro (frame)
Nagsisilbing buhay ng isang komiks
Grapikong Imahen
Pinagsusulatan ng maikling salaysay (narration)
Kahon ng Salaysay
Naglalaman ng usapan (diyalogo) ng mga tauhan
Lobo ng Usapan
Pahayag o paglalahad kung nagtutugma ang mga bahagi nito ayon sa wasto at organisadong daloy ng idea ayon sat ema o paksang-diwa nito
Lohikal
Maaaring magdulot ng kalituhan at pag-aalinlangan sa iyong mga tagapakinig at mambabasa
Di-Lohikal
Tawag sa malikhaing akdang isinulat para gamitin sa pelikula, programa, at iba pang media. Nakikita rin hindi lamang ang diyalogo, kundi pati na ang paggalaw ng iba’t-ibang bagay sa telebisyon
Teleplay
Pilipinong termino para sa soap opera. Nagmula sa salitang telebisyon at serye
Teleserye
Nagtatanghal ng mga politikal na pagpapalagay ng isang awtor. Maaaring magtampok ng pangyayaring politikal o isang politico
Dramang Politikal
First vice president ng GMA Public Affairs na mula sa “The Probe Team”
Nessa Valedellon
Premyadong mandudula. Itinanghal sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Screenplay) noong 2014
Rodolfo “Rody” C. De Vera