Filipino Flashcards
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan (6)
Instrumento, Regulartoryo, Interaksiyonal, Personal, Imahinatibo, Heuristiko at Represantatibo.
Ito ay maituturing na ____ pagkat natutugunan nito ang pangangailangan ng tao; tulad ng: pagtuturo, panghihikayat, pagpapahayag, at pag-uutos.
Instrumental
Siya ang nagsabing magkakaugnay ang loob, labas, at ilalim ng ating pagkatao. Inihambing niya ang kaakuhang Pilipino sa isang banga.
Prospero Covar
Ano ang tatlong bahagi ng Banga ng Pilipinong Pagkatao
Lalim, Panlabas, at Panloob
Ito ay hango sa teorya ni Jhon L. Austin. Isinasaad dito na anuman ang sabihin ito ay may kaakibat na kilos.
Bigkas-pagganap : Speech-act Theory
Tatlong kategorya ng bigkas-tungong pagganap:
a) Lokusyunaryo
b) Ilokusyunaryo
c) Perlokusyunaryo
Literal na kahulagan ng pahayag
Lokusyunaryo
Ito ang kahulugan ng mensaheng nakabatay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
Ilokusyunaryo
Reaksiyon sa natanggap na mensahe, ginawa o nangyari matapos matanggap ang mensahe.
Perlokusyunaryo
Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng isang tao.
Regulatoryo
Klasipikasyon ng Wikang Regulatoryo (3):
Berbal; Nasusulat, nakalimbag at biswal;
Di-nasusulat na tradisyon
Tungkulin ng wika na tumutulong sa pakikipag-ugnayan at pagbuo ng sosyal na relasyon sa ating kapwa.
(Halliday, 1973): Interaksiyonal
Tungkulin nitong magpahayag ng sariling damdamin, opinyon, at ideya sa paksang pinag-uusapan.
Personal
Apat na Dimensyon ng ating personalidad:
: Panlabas vs. Panloob
: Pandama vs. Sapantaha
: Pag-iisip vs. Damdamin
: Paghuhusga vs. Pag-unawa
Tungkulin ng wika na ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw.
Imahinatibo