Filipino Flashcards
Tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming
kadahilanan.
- Mayroon ding iba-ibang anyo ang akademikong pagsulat, at bawat isa
sa mga iyon ay may kalikasang ikinaiiba sa iba.
- Ang isang pangmalawakang depinisyon na maibibigay para sa
akademikong pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang
pangangailangan sa pag-aaral.
Akademikong Pagsulat
Ang pagsulat ng akademikong pagsulat ay
TUMPAK, PORMAL, IMPERSONAL
AT OBHETIBO.
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang
manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
Katotohanan
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang
inilahad.
Ebidensya
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng
mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging maktwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.
Balanse
Ang pagsulat ngwika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang
pagsulat ng wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa
leksiyon at bokabularyo.
Kompleks
Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay
ng pagsulat. Hindi angkop ditto ang mga kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
Pormal
Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures
ay inalalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
Tumpak
. Ang
pokus nito ay kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang
mambabasa.
Obhetibo
sa ugnayan sa loob ng
teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa
mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa
isa’t isa.
Eksplisit
- Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang wasto ng mga
bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit
ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat.
Wasto
Ang manunulat ay kailangang maging responsible lalong-lalo na sa
paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa
kanyang argumento.
Responsible
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga
tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay
ng layunin.
Malinaw na layunin
Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga
katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources.
Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng
iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-
iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto
de bista ng manunulat.
Malinaw na pananaw
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa
tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi
nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.
May pokus
-Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat, kailangang matulungan
ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at
magiging possible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang
pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng
napapanahon, propesyonal at akdemikong hanguan ng mga impormasyon.
Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa kademikong pagsulat.
Kaugnay nito,
Epektibong pananaliksik
ay may sinusunod na istandard na
organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel ay
may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na
nauugnay sa kasunod na talata.
Lohikal na organisasyon
ay kailangang may sapat na kaugnay na
suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang
suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinion ng mga eksperto at siniping pahayag o
quotations.
Matibay na suporta
-Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat, kaysa ibang uri ng
pagsulat, tulad halimbawa sa malikhaing pagsulat. Iskolarli ang estilo sa
pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at
kaiiklian.
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
-Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na
mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon
hinggil sa isang paksa.
Mapanghikayat na layunin
Mapanghikayat na layunin halimbawa
posisyong papel
tinatawag din itong analitikal na pagsulat.
- ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa
isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang
pamantayan.
Mapanuring papel
halimbawa ng mapanuring papel
Panukalang Proyekto.