Filipino Flashcards
Ano ang Kakayahang Linggwistika?
Pahayag at pangungusap na may wastong kayariang pambalarila (grammar and structure)
Ano ang Kakayahang Komunikatibo?
Maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarila na angkop sa lipunan.
Paano nahahati ang grammar ng Wikang Filipino?
Ponolohiya, Morpolohiya, Semantika, at Sintaks
Ano ang ponolohiya?
Pattern o kumbinasyon ng mga tunog
Ano ang ponemang segmental?
Mga tunog ng mga letra/titik
Ano ang ponemang suprasegmental?
Mga simbolo sa pagbigkas (diin, tono, intonasyon, punto)
Ilan ang alfabetong Filipino?
28 na letra
Ano ang morpolohiya?
Pagbuo ng mga salita
Magbigay ng mga halimbawa sa pagbubuo ng salita:
- Salitang ugat
- Paglalapi
- Pagtatambalan
- Pag-uulit
N/A
Magbigay ng mga halimbawa sa pagbabagong morponemiko:
- Asimilasyon (pagtatanggal at pagpapalit ng letra)
- Pagpapalit
- Paglilipat
- Pagkakaltas
- Pagdaragdag
N/A
Ano ang mga salitang pangnilalaman sa Filipino?
Nominal, panghalip, at pandiwa
Ano ang mga salitang pangkayarian sa Filipino?
Pang-ugnay at pananda
Ano ang sintaks?
May kinalaman sa pagbuo at pagpapahaba ng mga salita
Ano ang Karaniwan at Di-Karaniwang Pangungusap?
K: panag-uri + simuno
DK: simuno + ay + panag-uri
Ano ang penominal na pangungusap?
Tumutukoy sa kalagayan ng kalikasan
Ano ang temporal na pangungusap?
Pandalian na panahon o kalagayan.
Ano ang eksistensyal na pangungusap?
Nagsasaad ng pagka-mayroon
Ano ang ka-pandiwa na pangungusap?
Nagsasaad ng katatapos na kilos.
Ano ang pambating panlipunan na pangungusap?
Magalang na pananalita.
Ano ang panawag na pangungusap?
Panawag sa mga kamag-anak.
Ano ang padamdam na pangungusap?
Matinding damdamin.
Ano ang modal na pangungusap?
Nangangahulugan ng “gusto/nais/ibig”
Ano ang semantika?
May kinalaman sa interpretasyon ng kahulugan ng isang pangungusap.
Ano ang denotasyon at konotasyon?
D: Literal na kahulugan
K: Di-literal na kahulugan
Ano ang sinomin, antomin, polisemi, at homofon?
S: magkatulad na kahulugan
A: di-magkatulad na kahulugan
P: salitang may dalawa o higit na kahulugan
H: salitang magkasing tunog ngunit magkaiba ng kahulugan
Ano ang pangsemantikang uri ng pangngalan?
Pantangi at pambalana.
Ano ang pangkayariang uri ng pangngalan?
Payak, tambalan, maylapi, at inuulit
Ano ang panghalip?
Salitang pumapalit sa pangngalan.
Ano ang panghalip panao?
Pamalit tawag sa tao
Ano ang panghalip pamatlig?
Pamalit para sa itinuturo o inihihimaton.
Ano ang pandiwa?
Salitang kilos.
Ano ang aspetong perpektibo?
Nagsimula at nagtapos ng pandiwa sa nakaraan
Ano ang perpektibong kakatapos?
Nagsimula sa nakaraan ngunit kakatapos lang sa kasalukuyan
Ano ang aspetong imperpektibo?
Nasimulan ngunit hindi pa natatapos na kilos.
Ano ang aspetong kontemplatibo?
Kilos na hindi pa nasisimulan.
Ano ang pang-uri?
Naglalarawan sa pangngalan.
Ano ang kailanan/antas ng pang-uri?
Lantay, katamtaman, at masidhi
Ano ang pang-abay?
Naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at pang-abay.
Ano ang pang-ukol?
Nag-uugnay sa pangngalan at panghalip
Ano ang pangatnig?
Nag-uugnay sa salita, parirala, at sugnay.
Ano ang padamdam?
Nagpapahayag ng damdaming hindi karaniwan.
Ano ang sugnay?
Clause. May simuno at panag-uri ngunit hindi buo ang diwa.
Ano ang parirala?
Phrase. Walang simuno o panag-uri.
Ano ang teoryang iskema?
Dating kaalaman o prior knowledge.
Ano ang teoryang bottom-up?
Impormasyon mula sa teksto patungo sa mambabasa.
Ano ang teoryang top-down?
Ang pagpapakahulugan ay nanggagaling mula sa mambabasa patungo sa teskto.
Ano ang encoding at decoding?
E: Pagkakaroon ng anyo sa pamamagitan nang pag-unawa at pag-aayos
D: Pagbibigay kahulugan
Ano ang scanning?
Mabilisang basa upang hanapin ang mga detalye nito. .
Ano ang skimming?
Pagbabasa upang makuha ang pangkalahatang ideya.
Ano ang previewing?
Tinitignan ang pangkalahatang kaanyuan ng teksto.
Ano ang kaswal na pamamaraan ng pagbasa?
Pansamantalang pagbabasa
Ano ang “pagbasang pang-impormasyon”?
Pagbabasa upang kumuha ng mga impormasyon.
Ano ang muling pagbasa?
Upang makabuo ng pag-unawa sa kabuuang diwa ng teksto.
Ano ang matiim na pagbasa?
Maingat na pagbasa na may layuning maunaawan ang teskto.