fil reviewer Flashcards
Ang retorika ay galing sa salitang _________ na mula sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay “guro”.
rhetor
Ito ay tumutukoy sa sining at agham ng pagpapahayag na pasalita o pasulat; tinatawag din itong sayusay.
retorika
Anong klaseng sistema o paraan nagsimula ang retorika?
sistema o paraan ng pagtatalo
Ito ay matandang lungsod na matatagpuan sa isla ng Sicily noong ikalimang siglo.
Syracuse
Siya ang nagpanukala kung paano ilalahad ang argumento upang makuha ang simpatiya ng mga tagapakinig.
Corax
Ano ang limang elemento o sangkap ng pagpapahayag ayon kay Corax?
- Introduksyon o panimula
- Historikal na kasaysayan
- Medyor na argumento
- Karagdagang argumento
- Kongklusyon
Siya ang nagtatag ng sariling paaralang nagtuturo ng estilo ng pagtatalumpati.
Isocrates
Ayon sa kanya, ang talumpati ay kailangang magtaglay ng maiindayog at magagandang pagkakatugma ng mga salita sa isang paraang tuluyan o prosa na kakikitaan ng mga maiikli subalit maeleganteng nakabiting pangugusap na nagtataglay ng kasaysayan at pilosopiya.
Isocrates
Ayon sa kanya, ang pagtalakay sa ano mang hithiin ay nakabatay sa mabuting panlasa at pagpapasya ng mananalumpati.
Cicero
Ayon sa kanya, kailangang ang mananalumpati ay maging mabuting tao muna bago maging mabuting mananalumpati.
Cicero
Lumikha siya ng ideya ng probabilidad o maaaring mangyari sa pamamagitan ng panumbas na retorika sa lohikong kaisipan o ideya.
Aristotle
Ang _______ ay ang pansamantalang kongklusyon na kinuha sa medyor na batayan.
enthymeme
Ayon sa kanya, ang retorika ay isang siyensya o agham ng panghihimok o panghihikayat.
Socrates
Ayon sa kanya, ang retorika ay ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.
Aristotle
Ayon sa kanya, ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.
Panganiban
Ayon sa kanya, ang retorika ay isang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.
Sebastian
Sa aklat ni ____________, ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na sumasaklaw sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsulat gaya ng pananalita, himig, estruktura, at kalinawan ng pagpapahayag.
Bisa at Sayas
Para sa kanya, ang kaayusan ng salita ay idinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika.
Mendiola