Fil. Psych. Flashcards
Ama ng Sikolohiyang Pilipino; nagtatag ng Philippines Psychological Research and Training Houses; propesor ng UP gamit ang wikang Pilipino.
Virgilio Enriquez
Ang Sikolohiya ay tungkol sa:
A. Kamalayan
B. Ulirat
C. Isip
D. Diwa
E. Kalooban
Damdamin at kaalamang nararanasan:
Kamalayan
Pakiramdam sa paligid:
Ulirat
Kaalaman at pagkaunawa:
Isip
Ugali; kilos; asal
Diwa
Damdamin:
Kalooban
Ito ay bunga ng sunod-sunod na kaalamang may kinalaman sa sikolohiya sa bansang Pilipinas:
Sikolohiya sa Pilipinas
Tumutukoy sa bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohiyal ng mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa:
Sikolohiya ng Pilipinas
Dapat kusang tanggapin muna o pag-isipan upang mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolikal at empirical ng nasabing sikolohiya:
Sikolohiyang Pilipino
Mga konseptong madalas hindi na nasasaliksik at hindi makikita sa Sikolohiya ng Amerika:
Mga Katutubong Konsepto (Saling-pusa, Tengang-kawali, Pusong mamon, Balik-bahay, Balat-sibuyas)
Ang tatlong uri ng protesta ng Sikolohiyang Pilipino:
- Bilang sikolohiyang malaya
- Bilang isang sikolohiyang mapagpalaya
- Bilang isang sikolohiya ng pagbabagong-isip
Ito ang sumasalungat sa SP sa isang sikolohiyang nagpapalaganap ng kolonyal na isipan:
Bilang sikolohiyang malaya
Ito ay tungkol sa sikolohiyang nagpapalaganap ng opresyon at esploytasyon mula sa dominanteng uri:
Bilang isang sikolohiyang mapagpalaya
Ito ay isang hakbang tungko sa paggising ng diwang Pilipino mula sa kanilang kolonyal na karanasan:
Bilang isang sikolohiya ng pagbabagong-isip
Mga metodong ginagamit ng isang mananaliksik sa sikolohiya sa pagtarok ng diwa ng kalahok; metodong subok na ang kakayahang lumikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino:
Iskala ng Mananaliksik
Ang ayos ng iskala ng mananaliksik:
A. Pagmamasid (malayo, mababaw)
B. Pakikiramdam
C. Pagtatanung-tanong
D. Pag-subok
E. Pagdalaw-dalaw
F. Pagmamatyag
G. Pagsubaybay
H. Pakikialam
I. Pakikilahok
J. Pakikisangkot (very participatory, malalim, malapit)
Antas ng pakikipag-ugnayan/pakikipag-kapwa sa ibang tao:
A. Pakikitungo - ibang tao
B. Pakikisalamuha - madalas nang magkita
C. Pakikilahok - active participation
D. Pakikibagay - adjustments with others
E. Pakikisama - natural relation
Antas ng pakikipag-ugnayan/pakikipag-kapwa sa hindi ibang tao:
A. Pakikipagpalagayang-loob - palagay ang loob
B. Pakikisangkot - may kinalaman/empathy
C. Pakiisa - pag-iisang dibdib
Ano ang iba’t ibang aspeto/dimension ng pakikipagkapwa?
- Level of comfort
- Shared experience
- Level of disclosure
- Concern
- Physical distance
Ano ang mga katangian ng maka-Pilipinong mananaliksik?
- Nakaugat sa kaisipan at karanasang Pilipino
- May pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
- Naglalayong gisingin ang diwang Pilipino
Sa anong aspeto naisa-Pilipino ang Sikolohiyang Pilipino?
- Teorya-metodo
- Nilalaman
- Praktis at gamit
Ano ang apat na tradisyon ng Sikolohiya?
- Akademiko-siyentipiko
- Akademiko-pilosopo
- Taal na sikolohiya
- Sikolohiyangsiko-medical
Ano ang tatlong uri ng dibisyong panlipunan?
- Economic
- Political
- Cultural