consub 4 Flashcards
Ito ay pagsulat na naglalayong linangin
ang kaalaman ng mga mag-aaral kaya
tinawag na intelektwal na pagsulat
Akademikong Pagsulat
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Akademikong Pagsulat
- Obhentibo
- Pormal
- Maliwanag at Organisado
- May Paninindigan
- May Pananagutan
kailangan ang mga datos na isusulat ay
batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at
pananaliksik
Obhentibo
karaniwang ginagamit sa akademikong
pagsulat ay akademikong Filipino, nangangahulugan
lamang ito ng pagiging pormal nito
Pormal
ang mga talata ay
kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunodsunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap ng
binubuo nito.
Maliwanag at Organisado
mahalagang mapanindigan ng
mga sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin
o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang
magpabago-bago ng paksa.
May Paninindigan
ang mga ginagamit na mga
sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala
May Pananagutan
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong
Pagsulat
1.Abstrak
2.Sintesis/Sinopsis/ Buod
3.Bionote
4.Panukalang Proyekto
5.Talumpati
6.Adyenda
7. Katitikang Pulong
8. Posisyong Papel
9. Replektibong Sanaysay
10. Pictorial-Essay
11. Lakbay-sanaysay
ay ang simple at pinaikling bersiyon ng
sulatin o akda
Lagom
Uri ng Paglalagom
- Abstrak
- Sintesis/Sinopsis/Buod
- Bionote
ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga
report
Abstrak
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
- hindi maaaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binaggit sa ginawang pag-aaral o sulatin - Iwasan ang paglalagay ng mga statistical
figures o table - Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito - Maging obhetibo sa pagsulat
- maikli ngunit
komprehensibo
isang uri ng lagom na kalimitang ginaamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba
pang anyo ng panitik
Sentisis/Sinopsis/ Buod
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sentisis/Sinopsis/ Buod
- ikatlong panauhan sa pagsulat nito
- Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga
bantas na ginagamit sa pagsulat. - Isulat ito sa tono sa pagkakasulat ng orihinal na sipi
nito. - Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung
saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda
isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng
personal profile ng isang tao.
Bio Note
ang nagtatakda ng mga
paksang tatalakayin sa pulong. ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ang isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong.
Adyenda
Kahalagahan ng Adyenda
- Naglalaman ng Paksang tatalakayin
- nagtatakda na balangkas na pulong tulad ng
pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at
kung gaano katagal pag-usapan ang mga ito - Nagsisilbing talaan o checklist
- Nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi
sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda
- Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng
sipi ng mga adyenda - Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit ng
mahahalagang paksa. - Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible
kung kinakailagan. - Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay
sa sipi ng adyenda - Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng
adyenda.
ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang
mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal
natala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng
pulong
Katitikang Pulong
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
- Heading
- Mga Kalahok o dumalo
- Pagbasa at Pagpatibay ng nagdaang katitikang pulong
- Action items o usaping napagkasunduan
- Pabalita o patalastas
- Iskedyul ng susunod na pulong
- Pagtatapos
- Lagda
ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, o
kagawaran.
Heading
dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pngalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin
Mga Kalahok o dumalo
dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay
napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito
Pagbasa at Pagpatibay ng nagdaang katitikang pulong
dito makikita ang mahahalagang tala hingil sa mga paksang
tinalakay.Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong
nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang nabuong
desisyong nabuo dito
Action items o usaping napagkasunduan
hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulng ngunit kung
mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad
halimbawa ng suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong
Pabalita o patalastas
itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong
Iskedyul ng susunod na pulong
inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang
pulong
Pagtatapos
mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong
kumukuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito sinumite
Lagda
ay bahagi ng ng buhay ng maramin tao sa
kasalukuyan. Ito ay pinakaraniwang gawain
ng bawatsamahan, organisasyon, kompanya,
paaralan, institusyon, at iba pa
Pagpupulong o Business Meeting
3 Mahahalagang Elemento ng Pagpupulong
- Memorandum
- Adyenda
- Katitikang Pulong
ayon sakanya ang memo ay isang
kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa
gawaing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos
Pro. Ma. Rovilla Sudprasert
(2014)
nakasaad ang layunin o
pakay ng gagawing miting. Sa
pamamagitan nito, nagiging malinaw
sa mga dadalo ng pulong kung ano
ang inaasahan mula sa kanila
Memorandum o Memo
ang mga kilala at
malalaking
kompanya at mga
institusyon ay
kalimitang
gumagamit ng mga
colored stationary
para sa kanilang mga
memo
Dr. Darwin Bargo (2014)
ginagamit sa mga pangkalahatang
kautusan, direktiba, o impormasyon
Puti
ginagamit naman para sa mga
memo na nanggagaling sa purchasing
department
Pink o Rosas
ginagamit naman para sa mga
memo na nanggagaling sa purchasing
department
Dilaw
3 Uri ng Memorandum
- Memorandum para sa Kahilingan
- Memorandum para sa Kabatiran
- memorandum para sa Pagtugon
ayon sakanya ang panukalang proyekto
ay isang prosal na
naglalayong ilatag ang
mga plano o adhikain
para sa isang komunidad
o samahan.
Dr. Phil Bartle
ay
nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman nag mga
planong gawaing ihaharap sa tao o
samahang paguukulan nitong siyang
tatanggap at magbabaybay nito
Panukulang Proyekto
ayon sakanya ang
panukalang proyekto ay
isang detalyadong
deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng
isang problema o
suliranin
Besim Nebui
Ayon sakanya, sa sulating ito walang
lugar ang pagsesermon, pagyayabang, o
panlilinlang, sa halip . ito ay kailangang
maging tapat at totoo sa layunin nito
Bartle
ayon sakanila sa pagsasagawa
ng panukalang proyekto, ito ay kailangang magtaglay ng
tatlong mahahalagang bahagi
Jeremy Miner at Lynn Miner (2008)
tatlong mahahalagang bahagi ng panukulang proyekto
- Pagsulat ng Panimulang Panukalang Proyekto
- Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
- Paglalahad ng Benepisyong Proyekto at Mga
Makikinabang nito
ito ay ang unang mahalagang hakbang na dapat
isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng
komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng
inyong project proposal
Pagsulat ng Panimulang Panukalang Proyekto
makikita ang mga bagay na gustong makamit o
pinaka-adhikain ng panukala. Isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta.
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
SIMPLE acronym meaning
- Specific
- Immediate
- Measurable
- Practical
- Logical
- Evaluable
sa bahaging ito maaaring ilahad ang katapusan o
kongklusyon ng iyong panukala. Ilahad din ang mga
dahilan kung bakit aprobahan ang ipinasang
panukalang proyekto
Paglalahad ng Benepisyong Proyekto at Mga
Makikinabang nito
balangkas ng panukalang proyekto
1.Pamagat ng Panukalang Proyekto
2.Nagpadala
3.Petsa
4.Pagpapahayag ng Suliranin
5.Layunin
6.Plano ng Dapat Gawin
7.Badyet
8. Paano mapakikinabangan ng Pamayanan/Sahaman
ang Panukalang Proyekto
ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin
Pamagat ng panukalang proyekto
ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin
Nagpadala
o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel.
Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang
oanahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
Petsa
dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan
Pagpapahayag ng Suliranin
naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan
kung bakit dapat isagawa ang panukala.
Layunin
dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod
ng mga gawaing isasagawa para sa
pagkakasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa
Plano ng Dapat Gawin
ang kalkulasyon ng mga gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto
Badyet
ito ay nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan
nakasaad dito ang mga taong magkikinabang ng proyekto at
benepisyong makukuha rito
Paano mapakikinabangan ng Pamayanan/Sahaman
ang Panukalang Proyekto