Aralin 6: Rehistro at Barayti ng Wika Flashcards
Ang ating wika ay may iba’t ibang _____________. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan.
barayti
Ito ang mga sanhi kung bakit ang ating wika ay may iba’t ibang barayti
lipunang ginagalawan
heograpiyaa
ntas ng edukasyon
okupasyon
edad at kasarian
pangkat-etniko
Dahil sa pagkakaroon ng______________________ tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
heterogenous na wika
Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog = Bakit?
Ilocos = Bakitngay?
Batangas = Bakit ga?
Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?
Dayalek
Halimbawa:
Batangas = Bakit ga?
Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?
Tagalog = Bakit?
Ilocos = Bakitngay?
Dayalek
Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“Magandang Gabi, Bayan-Mike Enriquez
“To the highest level na talaga to’=Ruffa Mae Quinto
Idyolek
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“Magandang Gabi, Bayan-Mike Enriquez
“To the highest level na talaga to’=Ruffa Mae Quinto
Idyolek
Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Sosyolek
Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
My God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo)
Sosyolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Dahil sa pagkakaroon nang maraming pangkat-etniko na sumibol ang iba’t ibang uri nito. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko.
Etnolek
Halimbawa:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga Ivatan na pantakip sa
kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng
Mountain Province
Etnolek
ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Register
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa mga ___________________
trabaho o iba’t ibang hanapbuhay
Alin sa sumusunod ang salitang pinauso at ginagamit sa gay lingo?
a. awra!
b. like
c. objection
d. rolling pin
a. awra!
Alin sa mga sumusunod na salita ang ginagamit ng mga beauty Queen?
a. confidently beautiful
b. essay
c. facebook
d. rolling pin
a. confidently beautiful