Aralin 3: Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula Flashcards
Ang ______________ na kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
pelikula
Ang _________________ ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.
dula
Sinasabi ring isang genre na panitikan na nasa anyong tuluyan ang dula na dapat na itanghal sa ________________
entablado
Ang dula ay may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa
pamamagitan ng mga _______________
diyalogo
Sa paglipas ng taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa lang ang layunin ng mga mandudula:
Ang magbigay aliw sa mga mamamayang Pilipino, at bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay ng Pilipino.
Bakit ang pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino bilang midyum sa telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin
Upang kumita sila nang mas malaki.