Aralin 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Flashcards
Naging kakabit na ng mga Pilipino ang pag-upo sa harap ng telebisyon upang
makapanood ng ____________________ at matunghayan ang mga sinusubaybayan at paboritong programa sa telibisyon gayundin sa pakikinig sa radyo at pagbasa ng mga _______________ sa pahayagan.
balita
Tinatawag ding ___________ ang balita. Ito ay mga pangyayari sa lipunan at sa mga taong
nabibilang sa nasabing lipunan.
ulat
Mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino ni Magdalena O. Jocson, ano ang katangian para masabing balita ang isang sulatin?
dapat na isinusulat agad ang mga nakuhang tala kaugnay ng pangyayari
Binibigyang-halaga ang mahahalagang punto sa balita.
Kailangang tama ang mga pangalan ng mga taong ibinabalita, maging ang mga pangyayari at petsa nito.
Ang balita ay hindi naglalaman ng mga kuro-kuro.
Inilalahad ito ng parehas, walang pinapanigan, at malinaw.
Ito ang pagbibigay ng mga kaalaman ng
kinakapanayam o ng taong tinatanong tungkol sa usapin na gumagamit ng mga
angkop na wika batay sa kung ano ang pinag-uusapan.
panayam
Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangyayari, atbp.
panayam