Aralin 14: Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik Flashcards
hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik batay kay De Laza (2016):
Gawing tiyak at payak ang paksa. Mula sa malawak na sakop ay mapaliit
Itoupang maging ispesipiko. Ang tiyak at pinapayak na paksa ay isinasalin
sa anyo ng tanong na magiging batayan ng buong
pananaliksik.Iminumungkahing dapat na ipinapaksa ay may kaugnayan
sa pagpapaunladng ating wikang Filipino na kasasalaminan ng kulturang
Pilipino.
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik batay kay De Laza (2016):
Ang bahaging ito ang nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng
pananaliksik. Planuhin kung anong uri ng pananaliksik ang isasagawa
batay sa paglalahad ng suliranin. Mahalagang tukuyin muna kung ito ba
ay kuwantitatibo o kuwalitatibo dahil nakasalalay dito kung anong mga
instrumento at pamamaraan ang dapat gamitin.
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik batay kay De Laza (2016):
Dito isinasagawa o binubuo ang kasangkapan sa pangangalap ng datos base pa rin sa disenyo nito. Ang mga ito ay ang pakikipanayam, sarbey,
obserbasyon, o pagsusuring dokumento. Kasunod nito ang aktwal na
pangangalap ng datos, at isinasaayos para naman sa presentasyon.
PangangalapngDatos
hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik batay kay De Laza (2016):
Ang sumusunod ay nagaganap sa bahaging ito; Presentasyon ng Datos,
Pagsusuri at interpretasyon ng Datos, at Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon
at Rekomendasyon.Sa bahaging ito,ang mga datos na nakalap ay
pinagtitibay ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
Pagsusuri ng Datos
hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik batay kay De Laza (2016):
Matapos maisulat ang saliksik, tiyaking naibabahagi ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kopya sa mga silid-aklatan, sa guro at ibang mag-aaral
upang magamit sa pag-aaral. Kaya iminumungkahi din na isali sa mga
komperensyang pampaaralan, pangdibisyon o maging sa nasyonal at
internasyonal man. Malaking tulong kung ito ay nailalathala sa iba’t
ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro at
iba pang uri ng lathalain.
Pagbabahagi ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng layunin ng pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng pag-aaral. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik sapagkat dito nakabatay ang lahat ng bahagi ng saliksik.
Paglalahad ng Suliranin
Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang layunin ng pag-aaral.
Iminumungkahi na kung ano ang nasa paglalahad ng suliranin, dapat ito rin ang itatakdang layunin o bibigyang kasagutan at inaasahang matamo matapos ang pag-aaral.
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
Binubuo ito ng dayuhang literatura, lokal na literatura, dayuhang pag-aaral at lokal na pag-aaral. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pagaaral. Sa madaling salita, mayroong pag-aanalisa at naikokonekta nito ang mga
kaisipan
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa pinaghanguang teorya, modelo,
paradaym at kaugnay na paglalahad ng suliranin at haypotesis ng isang
naunang pag-aaral. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng pagsusuri ng datos. Isa itong pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
Teoretikal na Gabay at Konseptong Balangkas
Dito naman makikita ang lugar at bilang ng kalahok sa pag-aaral. Maging
ang grupo na kanilang kinabibilangan. Gayon din ang hindi kabilang sa pagaaral at kung bakit.
Saklaw at Limitasyon
Tutukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang nararapat na gamitin, kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo. Ito ay nakabatay sa layunin o
paglalahad ng suliranin maging sa uri ng instrumentong gagamitin sa
pangangalap at pagsusuri ng datos.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang
impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay sa kung sa anong samahan o organisasyon may kaugnayan ang kalahok.
Lokal at Populasyon ng Pag-aaral
Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng ng kasangkapan o instrumentong
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang na plano at proseso sa pagkuha
ng datos.
Paraan sa Paglikom ng Datos