Aralin 5 Panunuring Pampanitikan Flashcards
Ang _____, o_____ay pagmalas sa isang bagay sa tunay na kalikasan nito, isang walang pagkiling na pagsisikap namatutunan at mapalaganap ang pinakamabuting nalaman at naisip sa sanlibutan (Alejandro,1972).
Pagsusuri…..Pamumuna……(Alejandro,1972)
pagkakaiba ng pamimintas sa pamumuna:
pamimintas ay mapanira
pamumuna ay mapagbuo
Layunin nito na maipakita ang kahalagahan ng isang likhang sining; -maipakilala hindi lamang angkapintasangayundin ang kabutihan nito
Ito’y malalim na paghimay sa mga akda sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha
Pagsusuri
Ang manunuri ay kailangan ng lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng:
Ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o ayon sa katha.
Mahalaga rito ang pagiging matapat
- buong nilalaman ng akda
- paraan ng pagkakabuo nito
- ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo
Nakakaramdam ng poot, ng galit, ng pagkahabag, ng panlulumo, ng kasayahan at iba pang damdamin
Bisa sa DAMDAMIN
Ginagabayan tayong mag-isip upang mapaunlad at mapayaman ang pagkukuro, diwa o kaisipan ng mambabasa lalo na napapagalaw ang imahinasyon
Bisa sa ISIP
hinihimok tayong magsagawa ng kabutihan
Ituwid ang buhay ayon sa kabutihan na ipinamalas ng Dakilang Lumikha
Ang dating baluktot na nakasanayan ay itinutuwid
Bisa sa ASAL
katangian ng akda na may kaugnayan sa tamang paghubog sa katauhan ng mga tao sa lipunan
Bisang PANLIPUNAN
Ano ang pinag-uusapan?
Pagibig sa Panginoon, paglalakbay ng mag kasintahan, pagbabago ng isang mag-aaral? at iba pa
TEMA
Ano ang ginagawa ng isang akda? Nanunuya, nagbibiro, nang-aasar o seryoso?
TONO
Isang masistematiko at paraan ng pag-aaral ng panitikan
Dulog o Teoryang Pampanitikan (Badayos, 1999)
makikita ang mga sumusunod na simbolismong ginagamit sa akda
Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala sa mga mambabasa
arkitaypal
Anong desisyon ang gagawin mo para sa iyong sarili?
ang tao ay may kalayaang pumili para sa kanyang sarili na tinuturing na pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)
eksistensyalismo
nagpapakilala ng kalakasan ng kababaihan
Nais iangat ang kakayahang pambabae sa lipunan
Layunin nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon sa kababaihan.
feminismo
Tao ang sentro ng mundo
ang kalakasan ng tao ay bigyang tuon maging ang mabubuting katangian gaya ng talino, talento at iba pa
Ang kanyang karangalan at magagandang saloobin ay nagangailangang pahalagahan bilang isang tao sa akda.
humanismo