Aralin 3c Iba pang uri ng Akdang Tuluyan o Prosa Flashcards
layunin naitanghal sa entablado ang mga pangyayari namaaring binubuo ng isa o higit pang pangyayari na may isa o higit pang mga pangunahing tauhan at mga katulong na tauhan. Ang dulang iisahing yugto ay naglalahad ng isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at natatapos sa maikling panahon. Samantala, ang mahabang dula ay binubuo ng maraming pangyayari, maraming tauhan at tumatagal ng mahabang panahon.
Dula
bahagi ng dula: ito ang bahagi ng ipinaghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukha ng tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsisiganap gayundin ang mga manonood.
Yugto
bahagi ng dula: ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ang tanghalan.
Tanghal
bahagi ng dula: ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Tagpo
uri ng dula: ito’y mahigpit natunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masidhing damdamin ito’y nagwawakas sa pagkasawing pangunahing tauhan.
Trahedya
uri ng dula: ito’y nagtatapos sa masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
Komedya
uri ng dula: nagwawakas nang kasiya-siya sa mabuting tauhan bagamat ang uringito’y may malungkot na sangkap. Labis kung minsan ang pananalita at damdamin sa uring ito.
Melodrama
uri ng dula: ang layunin nito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawili na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
Parsa
uri ng dula: ang pinakapaksa rito’y ang mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito’y katawa-tawa rin.
Saynete
Iba pang uri ng dula:
Walang tinigang dula(pantomime)-isang uri ng dula na ang kwento ay itinatanghal sa aksyon lamang at walang salita.
Pangkasaysayang Dula (Historical Play)-batay sa isang kasaysayan ang dulang itinatanghal.
Dulang Papet (Puppet play)-isang dulang itinatanghal sa pamamagitan ng mga manika.
Dulang walang katotohanan (Plays of Fantasy)-isang uri ng dula na ang pangyayari ay hindi hango sa tunay na buhay ng tao.
Sangkap ng dula:
Tagpuan–panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
Tauhan–ang mga kumikilo sat nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng diyalogo at nagpapadama sa dula.
Sulyap sa suliranin–bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkarooon ng higit nais ang suliranin ang isang dula.
Saglit na kasiglahan–saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
Tunggalian–ang tunggalian ay maaaring s apagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kany ang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian ang isang dula.
Kasukdulan–ito’y climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdula nang tunggalian.
Kakalasan–ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
Kalutasan–sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaariring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.
Elemento ng Dula:
Iskrip o nakasulat na dula. Ito ang pinakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay naisinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
Gumaganap o aktor. Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalog; sila ang nagpapakita ng iba’tibang damdamin; sila ang pinapanonood na tauhan sa dula.
Tanghalan. Anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.
Direktor. Siya ang nagbibigay-kahulugan sa iskrip mula sa pagpasya sa itsurang tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
Manonood. Saksi sa itinatanghal na dula.
nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao mula nang siya’y isinilang hanggang sa pagkamatay. Pansariling talambuhay ang tawag kapag ang talambuhay ay sariling gawa.
Talambuhay
mababasa sa mga pahayagan na pawang kuro-kuro ng punong patnugot tungkol sa napiling paksa. May layuning hikayatin ang madla. Ito ay may tungkuling magturo, pumuri, tumuligsaat magtanggol.
Pangulong tudling o editoryal
naglalahad ng mga pang-araw-araw na kaganapan sa loob at labas ng bansa. Sinasaklaw ang halos lahat na larangan tulad isport, pulitika, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, relihiyon, espesyalat iba pang kauri.
Balita