Aralin 3b Mga Akdang Tuluyan Flashcards
Mga makaluma na katutubong panitikan:
Alamat at Mito-mukhang alamat
>kakumbakitan, nangangaral
Kwentong bayan at Pabula
>suliranin-lipunan, kaugalian,tradisyon, kagandahang asal
Parabula
>katotohanang moral/espiritwal, bingi at bulag, kaharian ng Panginoon
Anekdota
>totoo o katawa-tawa
kwento o salaysay na nagsasalamin ng mga matatandang kaugaliang Filipino, kadalasan ay naglalahad ng pinagmumulan ng ngalan ng bagay, pook o pangyayari
Alamat
kwento o salaysay tungkol sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’tibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kwentong tao at ng mga mahiwagang nilikha. Halos magkatulad sa alamat.
Mito o mulamat
naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahongyaon. Malimit itong maririnig noon sa mga kasayahan, pagtitipon at mga lamayan. Karamihan sa mga ito ay hindi nag tataglay ng ngalan ng may-akda lalona’t pasalindila lamang ang uring ito.
Kwentong Bayan
kwento o salaysay na ang mga gumaganap ay mga hayop na nagsasalita. Layunin nito na itatak sa isipan ng mga mambabasa o nakikinig lalo na ng mga bata ang katapangan, kagitingan, kagandahang-asal, ang pagkamasunurin sa magulang, pagkamapitagan sa matatanda, at ang pananampalataya sa Diyos. Isa sa mga kilalang mangangatha nito ay si Aesop ng Griyego.
Pabula
kwento o salaysay batay sa banal na kasulatan na naglalahad ng katotohanang moral o espiritwal sa pamamagitan ng mga matalinhagang paraan.
Parabola
kwento o salaysay namaaaring batay sa tunay nakaranasan o hindi, katawa-tawa at may naiiwang mahalagang kaisipan sa mambabasa.
Anekdota
Mga makabago na katutubong panitikan:
Maikling Kwento
>iisang upuan, memoir at dagli
Nobela
>totoo o hindi, itinatanghal
Dula
Talambuhay
Pangulong tudling o Editoryal
Balita
Kasaysayan
Sanaysay
kwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang. May kakaunting tauhan, tagpo at mga pangyayari.
Maikling Kwento
uri ng Maikling Kwento na malawak ang saklaw ng kwento ngunit ang paglalahad sa mga bahagi (tauhan, pook, panahon) ay maluwag at timbang. Hal: Alamat, kwentong bayan
Salaysay
uri ng Maikling Kwento ang pangyayari sa loob ng kwento ang siyang nagingibabaw sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga tauhan (Hal: Bakya-Hernando Ocampo; Sa’an ang Lakad mo Ngayon, Ma?-Liwayway A. Arceo
Kwento ng Madulang Pangyayari
uri ng Maikling Kwento ang balangkas ng kwento ay nakakawili at siyang nagbibigay-buhay sa pagkat tumatalakay sa sunod-sunod at masiglang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Kwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa
uri ng Maikling Kwento ang galawng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang paglalahad sa iba pang mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi kapuna-puna (Hal: Aloha-DeograciasA.Rosario;
Kwento ng Pag-ibig
uri ng Maikling Kwento naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagakat salungat sa batas ng kalikasan at nakatuwirang pag-iisip. Ang ganda ng kwentong ganitong uri ay nasapananabik na malamn kung paano mapag tatagumpayan, malulutas o maipapaliwanag ng bayani ang kababalaghang nagaganap.
Kwentong Kababalaghan
uri ng Maikling Kwento matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kwentong ganito, sapagkat ang kaisahan ng mga sangkap, napakaikling panahon, iisang pook at iisang galaw ng pangyayaring pinagbuklod nang mahigpit upang palitawing lalo ang damdamin ng takot at lagim.
Kwentong Katatakutan
uri ng Maikling Kwento malaki ang pagkakatulad ng ganitong kwento sa salaysay sapagkat ang galaw ng mga pangyayari ay magaan, mababawat maaaring pabago-bago ang balangkas.
Kwento ng Katatawanan
uri ng Maikling Kwento nangingibabaw ang paglalarawan sa isang tiyak na pook: ang anyong kalikasan doon at anguri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayanng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. (Hal: Kasalan sa Nayon-Eleuterio Fojas
Kwentong Katutubong Kulay
uri ng Maikling Kwento nagbibigay ng aral sa buhay sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa mga tauhan at pangyayari sa kwento. Ang pabula ay isang karaniwang anyo nito.
Apologo
uri ng Maikling Kwento ang balangkas ng ganitong kwento ay isang kalagayang punong-puno ng suliranin na hahamon sa katalinuhan ng babasa upang lutasin. Kung matalino ang kumathang kwento, maaari niyang ibitin sa pananabik ang bumabasa hanggang sa katapusan ng kwento.
Kwento ng Talino
uri ng Maikling Kwento sinisikap na pasukin ng manunulat ang kasulok-sulukang pag-iisipng tauhan ng kwento at inilalahad ito sa babasa. Ito ang pinakamahirap sulatin sa lahat ng kwento sapagkat ang tunay na diwa ay wala sa takbo ng mga pangyayari kundi sa dahilan na siyang gumagawa ng mga pangyayari, at ito’y malalaman lamang pagkatapos ng lubos na pag-unawa sa damdamin at kalooban ng tauhan ng kwento.
Kwentong Sikolohiko