AP MODULE 1 Flashcards
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
Ang Lipunan ayon kay G. Karl Marx
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)
Ang Lipunan ayon kay G. Emile Durkheim
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011)
Ang Lipunan ayon kay G. Charles Cooley
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
INSTITUSYON
Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
SOCIAL GROUPS
tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal
PRIMARY SOCIAL GROUP
binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
SECONDARY SOCIAL GROUP
tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan
SOCIAL STATUS
Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak Hindi kontrolado ng indibiduwal
ASCRIBED
Nakatalaga sa indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap Maaaring mabago ng indibiduwal ang kaniyang achieved status
ACHIEVED
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
GAMPANIN
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap- tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali,
PAGPAPAHALAGA
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
PANINIWALA
Tumutukoy ito
sa mga asal,
kilos, o gawi na
binuo at
nagsisilbing
pamantayan sa
isang lipunan.
NORMS
Tumutukoy sa
mas mahigpit na
batayan ng
pagkilos. Ang
paglabag sa mga
_____ ay
magdudulot ng
mga legal na
parusa (Mooney,
2011).
MORES