Ang Pagsusulat- Filpila Quiz Flashcards
Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang tao.
Wika
Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Paksa
Mahalagang matiyak ang layunin ng pagsusulat. Ito ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos
Layunin
Limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat. IENDA
Pamamaraang:
1. Impormatibo
2. Ekspresibo
3. Naratibo
4. Deskriptibo
5. Argumentatibo
Ang pangunahing layunin ng pamamaraang ito ay magbigay kabatiran sa mga mambabasa.
Impormatibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng isang tiyak na paksa batay sa kaniyang sariling karanasan. Anong pamamaraan?
Ekspresibo
Ang pangunahing layunin ay magkwento o salaysay. Anong pamamaraan?
Naratibo
Ang pangunahing pakay sa pagsulat ay mailarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari. Anong pamamaraan?
Deskriptibo
Ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi. Anong pamamaraan?
Argumentatibo
Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng datos.
Kasanayang pampag-iisip
Dapat isaalang alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika pertikular sa wastong paggamit ng bantas, pangungusap, etc.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang impormasyon sa isang maayos, organisadong, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang wakas.
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Mga gamit o pangangailangan sa pagsulat WPLPKKK
- Wika
- Paksa
- Layunin
- Pamamaraan ng pagsulat
- Kasanayang pampag-iisip
- Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
- Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Mga uri ng pagsulat
MTPDRA
- Malikhaing pagsulat- creative writing
- Teknikal na pagsulat- technical writing
- Propesyonal na pagsulat- professional writing
- Dyornalistik na pagsulat- journalistic writing
- Reperensiyal na pagsulat- referential writing
- Akademikong pagsulat
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mga uri ng pagsulat?
Malikhaing pagsulat