8-2 Flashcards

1
Q

Ang isang komposisyon ay mauuring popular kung ito‟y gamitin ng masa o
karaniwan nang isinusulat o binabasa ng mga karaniwang mamamayan. Higit na
madali itong gawin kaysa mga malikhaing komposisyon. Ang mga salitang ginagamit
5aggi ay hindi kasinlalim o kasintalinghaga ng mga malikhaing komposisyon. Ang
target kasing mambabasa ng mga komposisyong popular ay ang masa o
karaniwang mamamayan.

A

Komposisyong Popular

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Mga Uri ng Komposisyong popular

A

Islogan
Manifesto
Patalastas
Awit
Komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ito ay maiikling pahayag hinggil sa isang tiyak na paksa o isyu. Maaari
itong nasa anyong tuluyan o patula. Upang maging epektibo ay
kinakailangang madaling maalala kaya‟t kapansin-pansin ang paggamit ng tugmaan sa mga pinakapopular na islogan sa ating lipunan

A

Islogan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Isang paglalahad ng katwiran o paninindigan ng isang samahan,
sektor o pangkat hinggil sa isang isyu o pangyayari. Kailangang maging maingat at
matalino ang pagsusuri ng isyu o pangyayaring tinatalakay dito
upang ito‟y maging mabisa lalo na sa pinaglalaanan nito. Dahil dito, ang wika sa
manifesto ay madalas na karaniwan at tuwiran.

A

Manifesto

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Isa pang karaniwang katangian nito ay ang pagiging matapang
nito, ang walang pangingiming pagtuligsa kung may dapat tuligsain, ngunit madalas
din naman itong nagmumungkahi ng mga posibleng solusyon sa isang suliranin o
mga hakbang sa pagkilos.

A

Manifesto

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ito ay karaniwan nang napapanood at naririnig sa telebisyon at
radyo. Ngunit ang ito ay hindi laging pasalita. Maaari rin naman itong maging
pasulat. Sa mga pahayagan at magasin ay makakikita ang mga ito. Maging sa mga bilbord at anawnsment bord ay ang mga ito din ang
ating mababasa.

A

Patalastas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

ay isang maikling pahayag na nagbibigay kaalaman sa
mambabasa hinggil sa isang paksa. Karaniwan nitong sinasagot ang mga tanong na
Ano, Sino, Kailan, Saan, Bakit at Paano.

A

Patalastas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Sa lahat ng mga popular na akda, ito na yata ang pinakamatanda.
Ang ating mg ninuno ay umaawit na bago pa man naimbento ang sistema ng
pagsulat. Samakatwid, likas sa ano mang kultura ang pag-awit.

A

Awit

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ito ay kaiba sa mga panitikang Pilipino. Ito ay isang grapikong midyum
kung saan ang mga salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa
mga mambabasa ang kwento

A

Komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng
kuwento, buhay ng tao o pangyayari.

A

Komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang salitang komiks ay hango sa salitang
Ingles na “comics” at isinulat lamang na may titik “k” alinsunod sa baybayin ng
wikang Filipino. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana ang komiks at
naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa mga
pinakamalalaking tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang
dekada, bumababa ang popularidad ng komiks dahil sa iba’t ibang salik, kabilang na
rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng telebisyon at Internet.

A

Komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang
komiks strip niya na “Pagong at Matsing”. Ito ay halaw ng bayani mula sa isang
popular na pabula sa Asya.

A

Komiks

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ayon sa kanya ,isang batikang manunulat sa komiks, ang iskrip sa
komiks ay karaniwan nang sinusulat sa ordinary coupon bond, maingat at malinis na
minakinilya at ang istorya ay hinati-hati sa kwadro o frame. Bawat kwadro ay may
bilang (halimbawa: Frame 1/Frame2), caption, dialogue at illustration guide

A

Joe Lad Santos,

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

– ang kahon na kinalalagyan ng dayalog, larawan at kapsyon.

A

Kwadro/Frame

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

– usapan o salitaan ng mga tauhan na inilalagay sa lobo o balloon.

A

Dayalog

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

– Ito‟y pangungusap o mga pangungusap na karagdagang paliwanag tungkol sa mga nasa larawan. Maaari rin namang ito‟y paliwanag ng
pangyayaring wala sa eksena o kaya‟y pagbibigay-diin sa gustong ihayag sa larawan.

A

Caption

17
Q

– tuntunin para sa dibuhista na mula sa manunulat tungkol sa mga dapat idrowing sa kwadro. Mga larawan ito ayon sa imahinasyon
ng manunula

A

Illustration Guide