7-3 Flashcards

1
Q

●Ito ay paraan ng pagpapahayag na naglalayong gumawa ng isang malinaw, tiyak at
walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay sa mundo. Ito‟y
pagpapaliwanag sa kahulugan ng isang salita, paraan kung paano gagawin ang
isang bagay, ano ang simulain ng isang samahan at tungkol saan ang teorya.

A

Paglalahad

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

●Sa mga aklat, peryodiko, artikulo sa magasin na ating nababasa at ensayklopedya,
paglalahad ang malimit gamiting paraan ng pagpapahayag.

A

Paglalahad

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

– Ito ang pinakakaraniwan at pinakamadalas
gamiting uri ng paglalahad.

A

Pagbibigay Katuturan o Kahulugan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

– ito ay may tatlong sangkap upang mabigyang
kahulugan
ang isang salita:

a. Pananalita – salitang bibigyang kahulugan
b. Kaurian ng bagay – ito ang kinabibilangan ng salita
c. Kaibahan – ito ang katangiang ikinaiba ng bagay sa mga kauri nito.

A

Katuturang Maanyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

– Ito ay pagbibigay patnubay sa isang paraang
malinaw, payak, maikli at madaling maunawaan. Angkop na angkop ito
sa paggawa ng isang bagay.

A

Pagsunod sa Panuto

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

– ito ay nagsasaad ng kuru-kuro o
damdamin ng patnugot ng pahayagan o magasin. Mababakas ang
katalasan ng isip at damdamin ng editor sa kanyang pangulong tudling.

A

Pangulong Tudling o Editoryal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Mga Uri ng Editoryal

A

Nagpapabatid
Umaamuki
Nagpapahalaga
Nangangatwiran
Komentaryo
Pamumuna
Nagbabalita
Nanlilibang
Sumasalungat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

– nililinaw at ipinaliliwanag nito ang isang isyu.

A

Nagpapabatid

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

– tinatawagan nito ang suporta ng mambabasa para sa isang programa, balak o kilos.

A

Umaamuki

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

– ito ay pumupuri o nagpapahalaga sa isang tao, gawain
o institusyon.

A

Nagpapahalaga

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

– pumapanig ito sa isang mukha ng isyu at pinaninindigan iyon sa pamamagitan ng lohikal na pangangatwiran.

A

Nangangatwiran

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

– ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng isang balita kaugnay ng iba pang mga balita.

A

Komentaryo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

– pinag-aaralan nito ang kamalian sa pangyayari o kalagayan,
nagmumungkahi ng solusyon at kadalasa‟y nagwawakas sa pagtatanong
ng nararapat na gawin.

A

Pamumuna

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

– buod ito ng mga pangyayari ukol sa isang paksa. Nagsasaad ng opinyon ng editor na maaaring hayagan o pahiwatig.

A

Nagbabalita

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

– nagmumungkahi ng isang bagay habang nang-aaliw sa mga
mambabasa

A

Nanlilibang

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

– sinasalungat nito ang opinyon na inihayag ng ibang peryodiko.

A

Sumasalungat

17
Q

Mga Bahagi ng Editoryal

A

Panimula o Introduksyon
Katawan
Konklusyon

18
Q

Ito ay tinatawag ding news peg. Sa bahaging ito
ipinakikilala ng editor o ng may-akda ang isyung nais niyang talakayin sa buong
editoryal. May mga pagkakataong gumagamit ang manunulat ng mga saligan o
kaligirang pangkasaysayan, mga suliranin, o kaya ay mga proposisyong kanyang
lulutasin sa buong artikulo gamit ang makabuluhan at timbang na mga katwiran.

A

Panimula o Introduksyon

19
Q

Dito nakapaloob ang mahahalagang kuro-kuro ng manunulat na
timbang niyang inilalarawan sa introduksyon. Madalas ay inilalahad sa bahaging ito
ang dalawang panig batay sa paniniwala ng manunulat.

A

Katawan

20
Q

Sa bahaging ito pinagtitibay ang argumento ng sumulat. Nandito ang
mga pahayag, mungkahi, at ideya ng manunulat na maaaring gumabay sa
mambabasa.

A

Konklusyon

21
Q

Mga Gabay sa Pagsulat ng Editoryal

A

a. Gawing maikli, payak at tuwiran ang pagsulat ng editoryal.

b. Sikaping maging matapat sa pagpapahayag.

c. Maging malinaw sa pagpapaliwanag.

d. Hangga‟t maaari ay maglahad ng mga
katunayan at hindi puro opinyon lamang.

22
Q

Ito ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa sa mga nakalipas
na oras at araw o sa kasalukuyang panahon.

A

Balita

23
Q

Mga Paalala sa Pagsulat ng Balita

A

a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita.
b. Bigyang halaga ang mahahalagang paksa.
c. Maging tiyak sa mga pangalan, petsa, lugar at mga pangyayari.
d. Iwasan ang pagbibigay ng kuru-kuro.
e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa
balita.
f. Ilahad ng pantay at patas ang mga pangyayari.
g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod

24
Q

Mga Uri ng Balita

A
  1. Pampulitika
  2. Pang-edukasyon
  3. Panrelihiyon
  4. Pang-agham
  5. Pampalakasan/Isports
  6. Panteknolohiya
  7. Pang-artista
  8. Pangkultura
  9. Pang-ekonomiya
  10. Panlibangan
  11. Panlipunan
25
Q

ito ay nagpapahayag ng sariling palagay, reaksyon, paniniwala at opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa

A

Sanaysay

26
Q

Ayon sa kanya ang “sanaysay” ay nagmula sa pariralang “sanay sa salaysay” sapagkat inihahayag ng may-akda ang kanyang sariling karanasan o pananaw tungkol sa paksa. Sanay o may kabatiran sa kahit anong paksa. Ang lahat ng bagay sa paligid ay maaaring maging paksa ng sanaysay. Ito ay dapat na kayang unawain ng
damdamin at kayang ipaliwanag ng isip.

A

Alejandro G. Abadilla

27
Q

Ang paglalahad dito ay maayos, mabisa at maingat. Pinipiling mabuti ang
mga pananalitang ginagamit sa pormal na sanaysay. Ang paksa nito ay pinag-
uukulan ng masusing pag-aaral at pagsusuri. Layunin nitong magpaliwanag at
magturo para sa kagalingang isip ng mambabasa.

A

Maanyo o Pormal na Sanaysay

28
Q

Uri ng sanaysay na may pagkamalapit sa mambabasa sapagkat karaniwan
nang ang himig ay parang nakikipag-usap lamang. Tinatawag itong personal na
sanaysay. Salitang karaniwan o pang-araw-araw ang ginagamit dito kaya mas madaling unawain.

A

Malaya o Di- Pormal

29
Q

Maaaring pasulat o pasalita na paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang
nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.

A

Ulat

30
Q

Ito ay nagsisilbing patnubay ng isang manunulat. Tinatawag itong “kalansay
ng ano mang akda” o “sanaysay sa isang sulyap”. Kapag nakita ang isang
balangkas ng sulatin ay mahihinuha kung tungkol saan ang akda at ang nilalaman
nito.

A

Balangkas