7-4 Flashcards
●Ito ay paraan ng komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang makaimpluwensya
o makahikayat. Nagmamatuwid tayo upang mapaniwala natin ang iba sa
katotohanan ng ating pananalig at kaalaman. Dito‟y nararapat na maging kapanipaniwala ang ating mga katwiran
Pangangatwiran
Uri ng Pangangatwiran
Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)
Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)
Nagsisimula ito sa isang maliit na halimbawa o katotohanan at nagwawakas sa isang panlahat na simulain.
Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)
Uri ng Pangangatwirang Pabuod
Pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi (Paugnay)
Paggamit ng Pagtutulad (Patulad)
Paggamit ng katibayan (Patibay)
Ito ay isang pahayag na ang pangyayari ay bunga ng isa pang pangyayari.
Pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi
inilalahad dito ang magkaparehong katangian ng dalawang tao, bagay, lugar at pangyayari.
Paggamit ng Pagtutulad (Patulad) –
ito‟y naglalahad ng mga katibayan at patunay tungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari. Kailangang sapat ang mga katibayang babanggitin.
Paggamit ng katibayan (Patibay) -
Ang ganitong uri ng pangangatwiran ay tinatawag ding “silohismo” na kung
saan ang isang katotohanan ay iniuugnay sa isang tiyak na pangyayari. Ang
silohismo ay binubuo ng PB – Pangunahing Batayan, pb – pangalawang batayan,
K – Kongklusyon.
Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)
Uri ng Silohismo
Tiyakang Silohismo
Silohismong Kundisyunal
Silohismong pamilian
Silohismong Entimeme
– binubuo ito ng mga tiyakang proposisyon
Tiyakang Silohismo
– Ito ay nahaharap sa isang kundisyon at hinuhulaan ang mangyayari kung sakaling ang kundisyon ay matutupad.
Silohismong Kundisyunal
– may pamimilian sa punong batayan (PB). Sa
pangalawang batayan (pb) ay isang proposisyong tiyakan na nagpapatunay o
nagpapabulaan sa isa sa dalawang pamilian.
Silohismong pamilian
– tinatawag itong pinaikling silohismo.
Silohismong Entimeme