2.1 Flashcards
Ang ____ ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito
at magiging daluyan at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito.
wikang
pambansa
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay _____. Bagaman sinasabing sumasaklaw ito sa lahat
ng wika at diyalektong sinasalita sa buong kapuluan, nakasalig ang ____ sa Tagalog, ang
wikang naiintindihan at kayang salitain ng halos lahat ng mamamayang Pilipino.
Filipino
May dalawang batayan para maging wikang pambansa ang isang wika—ang ___ at
_____.
De jure
De facto
Ang “_____” ay hango sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa batas.” Ibig
sabihin, ang wikang pambansa ay dapat itinakda at nakasaad sa batas ng isang bansa.
De jure
Malinaw na nakasaad sa ______ na “[a]ng
wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at
pagyamanin sa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng
Kongreso dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
Artikulo
14, Seksyon 6 ng 1987
Konstitusyon ng Pilipinas
Malinaw na nakasaad sa ______ na “[a]ng
wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at
pagyamanin sa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng
Kongreso dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
Artikulo
14, Seksyon 6 ng 1987
Konstitusyon ng Pilipinas
Ang “____” ay hango rin sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa
katotohanan o umiiral na kondisyon.” Ibig sabihin, ang wikang pambansa ay ang wikang
ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Dahil ang mga Pilipino ay may
iba’t ibang unang wika, kailangang gumamit ng isang wika na naiintindihan ng lahat.
Halimbawa, nagkita ang magkaibigan na may magkaibang unang wika, sina Marie at Peter.
Si Marie ay nagsasalita ng wikang Ilokano, samantalang si Peter ay nagsasalita ng wikang
Hiligaynon. Nais nilang itanong kung saan tutungo ang isa’t isa. Sa Ilokano, nais itanong ni
Marie na “Papanam?” Sa Hiligaynon, nais itanong ni Peter na “Diin ka maadto?” Dahil
magkaiba ng unang wika, tiyak na hindi magkakaintindihan ang magkaibigan. Kung gayon,
gagamitin nila ang wikang Filipino (batay sa Tagalog) upang magkaunawaan. Itatanong nila
sa isa’t isa na: “Saan ka pupunta?”
De facto
Inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang
pambansang wika
1935
Pinagtibay ang Tagalog bilang wikang pambansa.
1937
Pinalitan ng wikang Pilipino ang wikang Tagalog.
1959
Inatasan ang Surian ng Wikang Pambansa na linangin, paunlarin, at
pagtibayin ang Filipino.
1973
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
1987
Dahil isang kapuluan, ang mga rehiyon ng bansa ay may kani-kaniyang sariling unang wika.
Bunga nito, hindi naging madali ang pakikipagkomunikasyon sa kapuwa Pilipino. Isa ito sa
mga pangunahing suliranin na nais tugunan ng bagong tatag na pamahalaan. Ayon sa ___
Saligang Batas, “Inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang pambansang
wika batay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.”
1935
Pagkaraan naman ng dalawang taon, noong Disyembre ___, ____ ay itinalaga ang wikang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon.
13, 1937
Noong ___, sa bisa naman ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na nilagdaan ni Kalihim
Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang wikang pambansa ay tinawag na “Pilipino”
bilang pinaikling “Wikang Pambansang Pilipino.”
1959