1.1 Flashcards
Ang wika ay walang isang tiyak na kahulugan. May sariling pagpapakahulugan sa wika ang
bawat dalubwika o linguist. Ayon kay ___, isang dalubwika at propesor sa
University of Toronto, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa
komunikasyon.
Henry Allan Gleason Jr
Ayon naman kay _____, ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga
pinagsama-samang tunog upang maging salita. Si Sweet ay isang pilologo, ponetisyan, at
mambabalarila
Henry Sweet
Ayon naman kay _____, ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga
pinagsama-samang tunog upang maging salita. Si Sweet ay isang pilologo, ponetisyan, at
mambabalarila
Henry Sweet
Isa namang lingguwista at dalubhasa sa semyotika sa katauhan ni ____
ang nagpakahulugan sa wika bilang isang pormal na sistema ng mga simbolo na
sumusunod sa patakaran ng isang balarila upang maipahayag ang komunikasyon.
Ferdinand de Saussure
____ ang turing sa isang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika.
Pinag-aaralan niya ang wika—estruktura, galaw, kahulugan, at pagbabago nito—upang
matukoy kung paano ito mapakikinabangan sa mas epektibong pakikipagtalastasan.
Tinatawag namang ___ ang siyentipikong pag-aaral at pagsusuri ng wika.
Dalubwika
lingguwistika
Pinag-aaralan ng mga dalubwika ang kaugnayan ng wika sa iba pang aspekto ng buhay ng
tao at ng lipunan. Una, _____
Binibigyang-pansin dito ang apat na makrong kasanayan: pagbasa, pagsulat, pakikinig, at
pagsasalita.
pinag-aaralan nila ang kaugnayan ng wika at komunikasyon.
Pinag-aaralan ng mga dalubwika ang kaugnayan ng wika sa iba pang aspekto ng buhay ng
tao at ng lipunan. Una, _____
Binibigyang-pansin dito ang apat na makrong kasanayan: pagbasa, pagsulat, pakikinig, at
pagsasalita.
pinag-aaralan nila ang kaugnayan ng wika at komunikasyon.
Pangalawa, pinag-aaralan nila ang ___ . Binibigyang-pansin ang
ginagampanang papel ng wika sa lipunan. Halimbawa, tinitingnan ng dalubwika ang papel
ng wika sa edukasyon, relihiyon, pangangalakal, at media at internet.
ugnayan ng wika at lipunan
Pangatlo, ____. Layunin nilang maipahayag ang isang akda at maipaunawa ang mensahe sa mga
mambabasang gumagamit ng ibang wika. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng ugnayan
ang manunulat at mambabasa. Sa madaling salita, nagkakaroon ng ugnayan ang mga taong
may magkakaibang wika dahil naisasalin ng mga dalubwika ang mensahe.
mayroong mga dalubwika ang nakatutok sa pagsasalin ng isang akda sa iba pang
wika
Panghuli, ___. Ilan sa mga ito sina Virgilio Almario at Bienvenido L. Lumbera, mga Pambansang
Alagad ng Sining para sa Panitikan; Bro. Andrew Gonzalez, FSC, dating kalihim ng noo’y
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports; at Pamela Constantino, propesor sa
Unibersidad ng Pilipinas.
may mga dalubwika sa Pilipinas na pinag-aaralan ang pag-unlad ng mga wika sa
Pilipinas.
Ang wika ay daan sa pagkakaunawaan ng mga tao. Bukod sa pagsasalita, ang wika ay may
tungkulin din sa proseso ng pagsulat at pag-unawa sa binasa. Ayon kay ___,
mayroong gamit na nagpapakita ng kabuluhan ng wika. Ang sumusunod ang iba’t ibang
gamit ng wika:
Nuncio (2016),
Pasulat man o pasalita, ang wika ay pangunahing instrumento sa pagpapahayag ng
saloobin at damdamin.
- Gamit sa talastasan
Ang mga akdang naisulat na, gaya ng sa panitikan at kasaysayan, ay nagpapaunlad
ng ating kaisipan.
- Lumilinang sa pagkatuto
Sa ating kasaysayan, sa pamamagitan ng wika, naisasakatuparan ang mga planong
pagkilos upang makamit ang ating kalayaan at mga panlipunang pagbabago.
. Saksi sa panlipunang pagkilos
Ang wika ay imbakan ng kaalaman. Isa itong linyang nagdurugtong ng mga tradisyon
ng isang tiyak na pangkat ng tao sa nakaraan, kasalukuyan, at sa bago at mga
susunod pang henerasyon.
- Lalagyan o imbakan ng kultura