1.3 Flashcards

1
Q

Maaalalang mula sa unang tinalakay na aralin na kahulugan ng wika, binigyang-kahulugan ni
____ ang wika bilang:

Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa
komunikasyo

A

Henry Gleason, Jr.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ang wika ay _____. Ito ay organisado at nabubuo sa pamamagitan ng
pagsunod sa isang tukoy na proseso at batay sa mga alituntunin ng balarila o gramatika.
Halimbawa sa pangungusap na: “Ako ay isang Filipino,”

Ako - simuno/panghalip
ay - pangawing
isang Filipino. - panag-uri

A

masistemang balangkas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang wika ay ___. Nagsisimula ang pagkakaroon ng wika sa mga tunog, tulad
ng /a/, /k/, at /o/. Nakabubuo ng salita kapag pinagsama-sama ang mga tunog.
Halimbawa, nabubuo ng /a/ + /k/ + /o/ ang /ako/.

A

Sinasalitang Tunog

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang wika ay ____. Ibig sabihin,
pinagkasunduan ng mga gumagamit ang mga
salita. Ito ang dahilan kung bakit nagbabago ng
kahulugan ang mga salita batay sa iba’t ibang
salik, isa na ang panahon.
Halimbawa, noong panahon ng 1800,
napagkasunduang gamitin ang salitang “bakla”
upang tumukoy sa mga taong duwag o sa mga
sundalong umuurong sa labanan ng giyera.
Sa kasalukuyan, tumutukoy na ito sa mga
lalaking homoseksuwal.

A

Arbitraryo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Maaari ding magbago ang kahulugan ng salita batay sa napagkasunduang paggamit sa isang
___<.

Halimbawa, sa larangan ng panitikan, nangangahulugan ang salitang “text” na panitikang
binabasa at/o pinag-aaralan.

A

Konteksto

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sa larangan ng telekomunikasyon, nangangahulugan itong ipinadadala o nababasang
mensahe sa pamamagitan ng cellular phone.
Gayundin, nagbabago ang kahulugan ng
isang salita batay sa kung ano ang
napagkasunduan ng mga __ nito.
Mayroong magkakaibang kahulugan ang mga
salita batay sa kung paano ito nais gamitin ng
mananalita. Sa madaling sabi, maaaring
subhetibo ang kahulugan ng isang salita dahil
ang nagsasalita ang nagpapasiya sa kaakibat
na kahulugan nito sa isang tiyak na wika.

Halimbawa, tinatawag na pridyider ng matatanda ang refrigerator samantalang fridge ito
kung tawagin ng kabataan.

Bawat bansa, kultura, o pangkat sa lipunan, tulad ng komunidad ng LGBTQ+, may
pinagkakasunduang sistema sa paggamit ng wika. Kaya naman kapag pinag-aaralan ang
wika ng ibang lahi, kinakailangan ding matutuhan at matuklasan ang kanilang kultura. Hindi
magagamit nang epektibo ang anumang wika kung isasantabi ang kakabit niyong kultura.

A

Gumagamit

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang wika ay pantao sapagkat tao lamang ang may kakayahang gumamit nito. Nakalilikha ng
tunog ang mga hayop ngunit hindi maituturing na wika sapagkat binubuo lamang ang mga
iyon ng iisang tunog. Samantala, may kakayahan ang mga taong pagsama-samahin ang iba’t
ibang tunog kaya nakapagsasalita sila. May kakayahan ding makapagbigay ng ibang
kahulugan ang tao sa isang salita.

A

Ginagamit ng Tao

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ang wika ay _____. Sumasalamin sa kalagayan ng lipunan ang mga salitang
nakapaloob sa isang wika. Gayundin, may mga masasabing endemikong salita o iyong mga
salitang natatangi lamang sa kultura ng isang bansa, gaya ng Pilipinas.
Halimbawa, marami tayong ginagamit na salita bilang pantukoy sa kanin o nalutong bigas.
Tinatawag nating itong “in-in” kapag malapit nang maluto. Kapag nasobrahan naman sa
pagkaluto o kaning nasunog, tinatawag nang “tutong”. “Bahaw” namang tawagin ang kaning
luma o lumamig na ngunit maaari pang kainin, lalo na bilang meryenda.

A

Bahagi ng Kultura

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly