1.4 Flashcards
Nahahati sa dalawang kategorya ang antas ng wika: ang ____ at ____.
Di-pormal
Pormal
Nakapaloob sa bawat kategorya ang iba pang uri o antas ng wika ayon sa gamit. Sa
di-pormal, ____ ang wika. Samantala, sa
kategoryang pormal, maaaring ____ ang wika. Talakayin natin ang
bawat isa.
kolokyal, balbal, o panlalawigan
pampanitikan o pambansa
Ito ang antas ng wika na ginagamit natin sa halos araw-araw na pakikipag-usap. Hindi ito
kinakailangang nakasunod sa estruktura at mga alituntunin ng balarila. Ilang halimbawa nito
ang mga salitang “Tara!” at “Musta?”
Kolokyal
Di-pormal na wika ang ___… Ito ang mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas
ng panahon. Madalas itong naririnig na ginagamit sa lansangan. Halimbawa, ang “lapang”
(para sa pagkain), “erpat” (para sa tatay), at “baduy” (para sa nagsusuot ng damit na wala sa
uso o hindi angkop sa hitsura ng nagdadala).
Balbal
Ikatlo at huling antas ng di-pormal na wika ang ____. Kilala rin sa tawag na
diyalekto, ginagamit ito sa mga tiyak na pook o lugar.
Ilan sa mga natatanging taglay ng diyalekto ang sariling pagpapakahulugan at tono kapag
isinasalita.
Panlalawigan
Ginagamit at kinikilala ng marami o mas malaking pangkat ng tao ang pormal na wika.
Mayroon itong dalawang antas: _____
wikang pambansa at wikang pampanitikan.
Ang wikang ____ ang unang antas ng pormal na wika. Ito ang ginagamit sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula, kuwento, at sanaysay. Umiiral ang kahingiang
dapat na piliing mabuti at isaayos ang mga salita sa ilalim ng wika batay sa tamang
estruktura at balarila. Ilang halimbawa nito ang mga salitang lundayan, marikit, at sinisinta.
Pampanitikan
Ang wikang ___ ang ikalawang antas ng pormal na wika. Ito ang itinuturing na
pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ito sa mga pampamahalaang opisina, kompanya,
paaralan, at sa pakikipagtalastasan. Gaya ng pampanitikan, mayroon itong estruktura at
nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi ng wikang ito ang mga salitang kalayaan,
edukasyon, politika, at ekonomiya.
Pambansa
Ang wikang ___ ang ikalawang antas ng pormal na wika. Ito ang itinuturing na
pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ito sa mga pampamahalaang opisina, kompanya,
paaralan, at sa pakikipagtalastasan. Gaya ng pampanitikan, mayroon itong estruktura at
nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi ng wikang ito ang mga salitang kalayaan,
edukasyon, politika, at ekonomiya.
Pambansa