04 Ang Tekstong Deskriptibo Flashcards
Ito ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.
Tekstong Deskriptibo
Ano ang apat na mahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan?
- Wika
- Maayos na detalye
- Pananaw ng paglalarawan
- Isang kabuoan o impresiyon
ang isang manunulat naman ay ____ ang gamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan.
Wika
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Maayos na detalye
Maaaring makaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
Pananaw ng paglalarawan
ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakining nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.
Isang kabuoan o impresiyon