03 Ang Tekstong Impormatibo Flashcards
Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Tekstong Impormatibo
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto; at iba pa.
Layunin ng may-akda
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi tinatawag din itong “organization markers” na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pangunahing Ideya
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong na Kaisipan
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo.
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo:
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo:
Sa uring ito nakalalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Pag-uulat Pang-impormasyon
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo:
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Pagpapaliwanag