02 Ang Tekstong Naratibo Flashcards
Ang ________ naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Tekstong Naratibo
(Iba’t ibang Pananaw o Paningin (Point of View)
sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “ako”.
Unang Panauhan
(Iba’t Ibang Pananaw o Paningin (Point of view))
dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya ‘t gumagamit siya ng mga panghalip na “ka” o “ikaw” subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat a kanilang pagsasalaysay.
Ikalawang Panauhan
(Iba’t Ibang Pananaw o Paningin (Point of view))
ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “siya”.
Ikatlong Panauhan
Tatlong (3) uri ang ganitong uri ng pananaw:
Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Maladiyos na Panauhan
Tatlong (3) uri ang ganitong uri ng pananaw:
Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan
Tatlong (3) uri ang ganitong uri ng pananaw:
Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan
Limitadong Panauhan
(Iba’t Ibang Pananaw o Paningin (Point of view))
Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
(Mga Paraan ng Pagpapahayag)
Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin.
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
(Mga Paraan ng Pagpapahayag)
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapabayag.
Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo:
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.
Tauhan
Mga karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo:
Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuuan ng akda.
Pangunahing Tauhan
Mga karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo:
Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang na nangyayari sa pagitan nila nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.
Katunggaling Tauhan
Mga karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo:
Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
Kasamang Tauhan
Mga karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo:
Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
Kasamang Tauhan