01 Pagbasa Flashcards
ang _______ ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, at ibang nasusulat na bagay.
Pagbasa
Ito ay naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat
Katangian ng Pagbasa
Ito ay lumilinang ng iba’t ibang kakayahan
Katangian ng Pagbasa
(Paghahanda sa Pagbabasa)
Ito ay pinaniniwalaan na ang bawat isa ay may kanya kanyang istilo ng pagunawa sa teksto tulad ng pababasa habang nakikinig ng musika, kumakain, o nakahiga
Paghahawan ng Sagabal
(Paghahanda sa Pagbabasa)
Pinakaangkop na lugar para sa pagbabasa ay ang silid-aklatan
Angkop na Lugar
(Paghahanda sa Pagbabasa)
Pinakaangkop na lugar para sa pagbabasa ay ang silid-aklatan
Angkop na Lugar
(Paghahanda sa Pagbabasa)
Bilang paghahanda at pagtatamo ng mabisang pamamaraan sa pagbasa ng materyal na teksto, ugaliing magbasa ng walang hinto.
Pagpopokus ng Atensyon
(Paghahanda sa Pagbabasa)
Bago basahin ang teksto na kadalasan ay sanaysay, maging pamilyar sa paksa nito.
Pamilyarisasyon sa Teksto
(Mga Teorya ng Pagbasa)
Ito ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa.
Teoryang Bottom-Up
(Mga Teorya ng Pagbasa)
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
Teoryang Top-Down
(Mga Teorya ng Pagbasa)
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya.
Teoryang Interaktib
(Mga Teorya ng Pagbasa)
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Teoryang Iskima
Dalawang (2) uri ng pagbabasa ang ating ginagawa na nakasalalay sa ating pakay o layunin.
Malakas na Pagbasa at Pagbasa ng Tahimik
(Mga antas ng Pag-iisip)
Ito ay payak na paggunita sa mga nakalahad na impormasyon
Antas Faktwal
(Mga antas ng Pag-iisip)
Isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan; hindi katuturan ang layunin nito kundi ang nagkukubling kaalaman o kaisipan.
Sa Ingles ito ay “reading between the lines.
Antas Interpretatib