Yunit III Flashcards
Ayon kay Abend, ito ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa, o makatulong sa pag-unawa sa phenomenon, at sa maraming sitwasyon
Teorya
Estrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng pananaliksik
Batayang Teoretikal
Sino ang bumuo ng tatlong konsiderasyob sa pagpili ng teorya
Torraco 1997
Ano ang tatlong konsidersayon sa pagpili ng teorya
- Akma sa pananaliksik
- Linaw ng aplikasyon sa pananaliksik
- Bisa ng teorya sa paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik
Sino ang nagsulat ng “Miseducation of the Filipino”
Renato Constantino
Ano ang translated version ng Miseducation of the Filipino
Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino
Ano ang pangunahing layunin ng edukasyon?
Pangunahing layunin nito ang
mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at maunawaan ang
kanilang pagiging bansa.
Sino ang nagsabi na ang nasyonalismo ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin
Renato Constantino
Magbigay ng halimbawa ng mga batayang teoretikal kaugnay ng nasyonalismo
Pag-ibig sa tinubuang lupa (Andres B.)
Kartilya ng Lipunan (Emilio J.)
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog (Andres B.)
Ningning at Liwanag (Emilio J.)
Perpektibo, Realismo, at Nasyonalismo (Rolando T.)
Ayon sa teoryang ito, pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitin ng neokolonyalismo sa ekonomiya
Teoryang Dependensya
Sa pananaw ni ___ at iba pang nasyonalista, walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi nito isasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa
Constantino
Tama o Mali: walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista kahit pa ito’y sumunod sa pamantayang global
Tama
Sino ang nagsabing hangga’t kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite ang ekonomiya, politika, at kultura ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino
Constantino
Sino ang nagpaliwanang na higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad o mayaman sa kapital sa sistema ng labor export policy
San Juan
Ito ay karaniwang ginagamit sa panunuring pampanitikan, isang Pilosopong Aleman na kritiko sa sistemang kapitalismo
Marxismo
Sino ang nagbuo ng pantayong pananaw
Zeus Salazar
Ano ang apat na pananaw ayon kay Zeus Salazar
tayo, kami, sila, at kayo
Tumutukoy sa isang grupo ng tao na nag-uusap lamang hinggil sa sarili at isa’t isa
Closed circuit
Tama o mali: Ang lipunan at kultura natin ay may pantayong pananaw lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan nito sa isa’t isa
Tama
Ang pantayong pananaw ay nangyayari lamang kung iisa ang ___ – ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali
Code o pagkakaroon ng iisang wika
Sino ang bumuo sa Pantawang Pananaw
Rhoderick Nuncio
Ito ay pananaw na nakapokus sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino
Pantawang Pananaw
Sino ang nagbuo ng Teorya ng Banga
Prospero Covar (1993)
Sino ang nangungunang tagapagtanggol ng Filipinolohiya hinggil sa kaalamang bayang Dalumat ng Pgkataong Pilipino
Prospero Covar
Inihahalintuald ng teoryang ito ang banga sa pagkataong Pilipino
Teoryang Banga
Ano ang apat na elemento ng teoryang banga
Labas, loob, kaluluwa, budhi
Tumutukoy ito sa panlabas na anyo
Labas ng banga
Tumutukoy ito sa isipan, puso, emosyonal at moral na aspeto ng pagkatao ng tao
Loob ng banga
Tumutukoy ito sa kaluluwa o espiritwal na pagkatao ng tao
Lalim ng banga
Sino ang ama ng manggagawang Pillipino?
Amado V. Hernandez
Siya ang nagsulat ng isang dipang langit (prison literature)
Amado V. Hernandez
Ano ang 3Bs hhahahahaha?
Bakod, Bukod, Buklod
Ang mall ay pisikal na nakahiwalay sa iba pang lugar
Bakod
Etnisasyon: Nabubukod sa iba’t ibang uring panlipunan sa loob ng mall
Bukod