Yunit 4: Metodolohiya Flashcards
Ito ay tumutukoy sa sistematikong paglutas ng mga suliranin/tanong layunin ng mga pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng datos/impormasyon
Metodolohiya
Ano ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik
Metodolohiya
May walong proseso ng pananaliksik ayon kay
Walliman
Ito ay tumutukoy sa pagbubuo ng tipolohiya o pagu-grupo ng mga bagay, pangyayari, konsepto, etc
Pagkakategorya
Tumutukoy sa pagtitipon ng datos na nakabatay sa mga obserbasyon
Paglalarawan o deskripsyon
Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon
Pagpapaliwanag
Tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari, at iba pa
Pagtataya o Ebalwasyon
Tumutukoy sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa tungo sa mas malinaw na pag-unawa ng isang phenomenon
Paghahambing o pagkukumpara
Tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita kung nakakaimpluwensiya ba ang isang phenomenon sa isa pa
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon
Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay, phenomenon, at iba pa batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenong sinusuri
Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon
Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ang isa o higit na bagay ay maisasailalim sa control ng mga tao tungo sa mas epektibo o ligtas na paggamit nito
Pagtatakda ng kontrol
Ano ang 10 na disenyo ng pananaliksik ayon kay Walliman
- Historikal
- Deskriptibo
- Korelasyon
- Komparatibo
- Eksperimental
- Simulasyon
- Ebalwasyon
- Aksyon
- Etnolohikal
- Kultural
Ito ay nakasanding sa malapitan, personal na karanasan, at posibleng partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik na karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na multidisiplinari
Etnograpiya
Ang “Deaf/Bingi at Deaf/Bingi at ang Filipino Sign Language: Usapin ng Wika at Identidad” ay isang halimbawa ng anong disenyo ng pananaliksik?
Etnograpiya
Karaniwang pokus nito ang intensibo o marubdob na pag-aaral sa wika at kultura, isang libangan o domeyn, at pagsasama-sama ng paraang historical
Etnograpiya
Ang mananliksik ay aktwal na nakikiranas sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa
Pakikipamuhay
Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mga mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananliksik
Nakikiugaling Pagmamasid
Ilang araw lamang ang itinatagal ng gawaing pagmamasid
Isa o dalawang araw
Karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay ng mananaliksik na makapasok sa isang komunidad
Participant observation
Pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon
Pag-oobserba
Ito ay malikhaing pagsasalaysay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananliksik
Kwentong-buhay
Karaniwang pinapaksa nito ang mga tinig ng mga nasa layllayan ng mga lipunan
Kuwentong-buhay
Ang “Mga Naratibo ng Inseguridad: Panimulang Pagsusuri sa Sistema ng Endo sa Pilipinas” ay may disenyong…
Kwentong-buhay
Ito ang paghahambing ng resulta ng pagmamanipula ng isang variable na kasangkot sa dalawang grupo.
Eksperimentasyon