Prelims Flashcards
Ayon sa Batas Artikulo _ Konstitusyong _ Seksyon _, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Dapat pang itaguyod ang paggamit nito bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at panturo.
Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksyon 6
Ayon sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksyon 7…
Filipino ang wikang opisyal ng Pilipinas, at hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles
Ang ang dayalektong pinagbatayan ng wikang pambansa?
Tagalog
Ang ibig-sabihin nito ay Filipino ang nangungunang wika sa Pilipinas. “First among equals”, bagaman walang superior na wika, ang wikang pambansa ang kumakatawan sa lahat ng wika sa bansa
Primus Inter Pares
Ipinapanukala ng batas na ito ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo sa mga batang nasa antas elementarya, partikular ng mga nasa una hanggang ikatlong baitang
Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE)
Ano ang pangalawang wikang opisyal ng Pilipinas?
Wikang Ingles
Bakit itinuturing na sukatan ng katalinuhan ang kakayahang mangusap sa wikang Ingles
Dahil ito ay mas intelektwalisado at karaniwang sinasay ang kakayahang ito sa loob ng silid-aralan, kung kaya’t ang paggamit nito ay nagpapahiwatig na ang isang tao ay may pinag-aralan. Dahil din mas maraming oportunidad na nabubuksan para sa mga taong may kakayahan na sumulat at mangusap gamit ang Ingles
Tama o Mali: Ang wikang Filipino ay maaaring tanggalin bilang wikang opisyal
Mali
Tama o Mali: Ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya kung kaya’t maaaring makabuo ng wikang pambansa mula sa mga ito
Tama
Paano ginagamit ng sambayanan sa proseso ng pagpapaunlad ng bansa ang wikang Filipino
Ito ay instrumento ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan kung kaya’t naktutulong ito sa pagpapataas ng produktibidad ng mga mamamayang Pilipino
Tama o Mali: Kinakatawan ng Filipino ang lahat ng wika sa bansa
Tama
Bakit bumagal ang pag-unlad ng bansa sa paggamit ng wikang Ingles?
Dahil madaming trabaho ang ginawang kahilingan ang kakayahang makapagsalita at makapagsulat sa Ingles kaya marami ang nanatiling unemployed. At dahil na rin hindi ito mabisang tinig ng ordinaryong mamamayan
Tama o Mali: Filipino ang wikang kumakatawan sa lahat ng wika sa bansa
Tama
Ano-ano ang mga katangian ng wikang Filipino?
- Di-maaaring tibagin o alisin bilang wikang opisyal
- Ang mga wika sa Pilipinas ay nagmula sa iisang pamilya kaya’t maaaring makabuo ng wikang pambansa mula rito
- Ang mga wikang pambansa ay kahilingan sa pagkikintal ng nasyonalismo
- Nagbubuo ng pambansang pagkakaisa
- Nagbubunsod ng pambansang paglaya
- Nagtataguyod ng demokrasya
- Ginagamit ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo at pagpapaunlad ng bansa
Ano ang pagkakaiba ng Filipino at Tagalog
Filipino ang wikang pambansa, samantalang wikang panrehiyon ang Tagalog
Ano ang mga katangian ng ganap na wikang opisyal?
Kapag ginagamit ito sa Kongreso at Senado, lahat ng desisyon ng Korte Suprema, at kapag lahat ng dokumento at talakayan ng mga nasa gobyerno ay nasa wikang pambansa na
Sino ang nagsabi na ang wikang pambansa ay magbibigay ng tinig at kapangyarihan sa mga ordinaryong mamamayan ng bansa; at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa
Gimenez Maceda
Sino ang nagsabing ang wikang Filipino ay mapaglaya hindi gaya ng wikang dayuhan na sagabal sa pag-iisip kaya’t ang pag-iisip ay nababansot at nagbubunga naman ng kulturang bansot
Constantino
Tama o Mali: Sa panahon ng globalisasyon, mahalagang panangga ang wikang Filipino sa kultural na hemogenisasyon
Tama
Ano ang kultural na hemogenisasyon?
Pagsasantabi ng kinalakihang kultura
Sino ang nagsabing ang paggamit ng wikang Ingles ay hindi dapat magbunga ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan;
sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bias nito sa lipunang Filipino
Bienvinido Lumbera
Ano-ano ang limang hakbang sa pagpapaunlad ng pananaliksik
- Basahin ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
- Magbuo ng pambansang arkibo upang mas maipalaganap ang mga pananaliksik ng mga Pilipino
- Mag-develop ng translation software para sa mass translation
- Bigyang prayoridad ang FIlipinisasyon (subject sa UP)
- Atasan ang lahat ng unibersidad na magtayo ng Departamento ng FIlipino
Ano ang dalawang antas ng pagpaplanong pangwika?
Makro at Maykro
Ang pagkakaroon ng mandatoring asignaturang Filipino sa kolehiyo ay isang halimbawa ng makro o maykrong pagpaplano?
Makro
Walang magkabuluhang argumento ang mga anti-Filipino - ang kampol ng tanggal wika - sa pagpapatanggal ng Filipino sa Panitikan
Argumento 1
Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa junior at/o senior high school ay may katumbas pa rin sa kolehiyo
Argumento 2
Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo lamang
Argumento 3
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura
Argumento 4
Bahagi ng College Readines Standards ang Filipino at Panitikan
Argumento 5