Yunit 5 Flashcards
Ito ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong.
Nasyonalismo
Sa ______________ naman ay sinabing ang nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan.
Philippine EJournals
Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang pinagmulan at batayan ng nasyonalismo:
primordialism, ethnosymbolism, at modernism
Sinasabi dito na ang nasyonalismo ay isang likas na penomena na kinakaharap ng bawat nasyon.
primordialism
Ang _______ ay isang paradigmang komplikado, nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan, at ipinaliliwanag na ang nasyonalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong penomena na kinasasangkutan ng historical na kahulugan, sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang pambansang simbolo.
ethnosymbolism
Ito ay nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng istrukturang sosyo- ekonomiko ng makabagong lipunan.
modernism
Para Kay ________, Kailangang Itransporma Ang Sistemang Pang-edukasyon Ng Bansa Upang Matiyak Na Makapag aambag Ito Sa Pag-unlad Ng Pilipinas:
Constantino
Ito ay umusbong bilang isang reaksyon sa teoryang modernisasyon kung saan ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan.
TEORYANG DEPENDENSIYA
Nilinaw ni _______ ang koneksyon ng mga diskurso sa nasyonalismo at Teoryang Dependensiya sa kanyang artikulong “Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas.”
San Juan (2013)
Ito ay isang metodo ng sosyo ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitignan ang ugnayan ng klase ( class relations ) at tunggaliang panlipunan ( class conflict ) gamit ang materyalistang interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan ( materialist interpretation of historical development ) at ginagamitan din ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social transformation
Marxismo
Ang kaisipang ito ay pinukaw ng dalawang Alemang pilosopi - sina _______ noong
kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo.
Karl Marx at Friedrich Engels
Ito ay umiikot sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.
Marxismo
SA KONTEKSTONG PILIPINO, ANG PAG AKLAS/PAGBAKLAS/PAGBAGTAS NI _________ AY ISA SA MGA MABISANG ADAPSYON NG MGA IDEYANG MARXISTA SA PANUNURING PAMPANITIKAN.
TOLENTINO (2009)
Ang pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa banta ng pagsira sa wikang Filipino ay maaaring binabalutan ng konteksto nito
PANTAYONG PANANAW
DETALYADONG NILINAW NI ________ SAARTIKULONG “PANTAYONG PANANAW: ISANG PALIWANAG” ANG BUOD NG KANIYANG PERSPEKTIBA:
SALAZAR (1997)
MAY TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP ANG PANTAYONG PANANAW NA BINANGGIT SAAKLAT NI ________. ITO’Y ANG: 1. DULOG ETIC AT EMIC ; 2. PAG UNAWAAT PAGPAPALIWANAG; AT 3. SULIRANIN NG IDEOLOHIYA.
MARANAN (2018)