Yunit 2 Flashcards
Ang pangunahing layunin nito ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao,kundi kung paano maging tao”…
Humanidades
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa _______ sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko.
iskolastisismo
Ito ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
analitikal na lapit
Ito ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.
kritikal na lapit
Ito ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan
ispekulatibong lapit
Mayroon tatlong (3) anyo ang pagsulat sa larangan ng Humanidades
Impormasyonal, Imahinatibo, Pangungumbinse
maaaring isagawa batay sa
sumusunod:
a. paktwal ang mga impormasyon
b. paglalarawan
c. proseso
Impormasyonal
binubuo ng mga malikhaing akda
gay ng piksyon sa larangan ng panitikan
Imahinatibo
pangganyak upang
mapaniwala o hindi mapaniwala ang bumabasa
Pangungumbinse
Ito ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan,mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.
Agham Panlipunan
Malaki ang naging impluwensya ng ________ (1789-1799) at ________ (1760 1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan.
Rebolusyong Pranses at Rebolusyong Industriya
Kinikilala sa larangan ng Agham Panlipunan sina
Francis Bacon, Rene Descartes,
John Locke, Isaac Newton, Karl
Marx
pag aaral ng kilos,pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan
Sosyolohiya
pag-aaral mga kilos, pag iisip at gawi ng tao,
gumagamit ng empirical na obserbasyon.
Sikolohiya
pag-aaral ng wika bilang Sistema kauganay nfg kalikasan , anyo estruktura at baryasyon nito.
Lingguwistika
pag aaral ng mga tao sa ibat ibang panahong ng pag-ral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-obserbasyon o ekpiryensyal na imersyon sa pananaliksik
Antropolohiya
pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.
Kasaysayan
pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
Heograpiya
pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos- politikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.
Pampolitika
pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan at mga institusyong panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.
Ekonomiks
interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.
Area Studies
pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
Arkeolohiya
pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan.
Relihiyon
Ito ay nagmula sa salitang Latin na translatio na translation naman sa wikang Ingles… Metafora o metaphrasis ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009).
Pagsasalin
Uri ng pagsasalin
Pagsasaling Pampanitikan, Pagsasaling siyentipiko-teknikal
nilalayon na makalikha ng
obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika
Pagsasaling Pampanitikan
komunikasyon ang
pangunahing layon
Pagsasaling siyentipiko-teknikal
naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong _________ na simula naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España.
ika-10 ng Disyembre 1898