Yunit 3 Flashcards
isang Academician at Professor
Emeritus sa UST, ang gumamit ng wikang Filipino sa kanyang klase sa kemistri sa Kolehiyo ng Agham noong kanyang panahon
Dr. Fortunato Sevilla III
Ito ay diksyunaryong nabuo noong dekada 60’s at nabuo ng mga siyentipiko
ANG TALAHULUGANANG PANG- AGHAM: INGLES PILIPINO
Ito ay isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST
ANG TALAHULUGANANG PANG-
AGHAM: INGLES PILIPINO
Ito ay nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas.
“English-Pilipino Vocabulary for Chemistry”
Dalawang proseso sa pagtatamo
ng intelektwalisasyon ng wika sa
akademya:
linggwistiko, ekstra-linggwistiko
Kabilang dito ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng akademikong diskurso, pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika
LINGGWISTIKO
Ikalawang proseso ang pagbuo ng creative minority o significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo
EKSTRA-LINGGWISTIKO
Mula sa salitang Latin na scientia na nangangahulugan ng karunungan.
Siyensiya
Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham.
Siyensiya
Ito ay tumutukoy sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka.
Siyensiya
Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.
Biyolohiya
Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
Kemistri
Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter.
Pisika
Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.
Earth Science/Heolohiya
Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito.
Astronomiya
Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.
Matematika
Ito ay pinagsamang salitang
Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o parang kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag.
teknolohiya
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter.
Information Technology (IT)
Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko, matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga disenyo at mapagana ang mga estruktura o makina ayon sa sistematikong proseso o pamamaraan.
Inhinyeriya