W2L1_Pagpili ng Paksa at Pagbuo ng Tentatibong Balangkas Flashcards
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay sa pananaliksik (hal. pagpili ng paksa, pagbuo ng balangkas, atbp.)
Ayon kay Dayag, Alma, et. al. (2016), ito ay kadalasang tumutugon sa ideyang tatalakayin sa isang sulating pananaliksik.
paksa
Ano ang pinakamahalagang bahagi ng isang papel pananaliksik?
paksa
Ayon kay Booth et. al. (2008), ito ay isang interes na ipinahahayag nang tiyak upang iyong ma-imagine ang iyong sarili bilang isang local na eksperto hinggil sa paksa. Ito rin ay tumutukoy sa pangkahalatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
paksang pampananaliksik
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa?
- Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
- Paksang marami ka nang nalalaman
- Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
- Paksang napapanahon
- Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng napipiling paksa ng mga kaibigan mo
- May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
- Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Saan-saan dapat humahango ng paksa?
- Sarili
- Dyaryo at Magazine
- Radyo, TV, at cable TV
- Mga Awtoridad, Kaibigan, at Guro
- Internet
- Aklatan
Ano-ano ang mga dapat ikonsidera sa pagpili ng paksa?
- Kasapatan ng Datos
- Limitasyon ng Panahon
- Kakayahang Pinansyal
- Kabuluhan ng Paksa
- Interes ng Mananaliksik
Ano ang tumutukoy sa kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin?
balangkas
Ano ang iba pang tawag sa ‘balangkas’?
outline
Bakit mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat?
- Higit na mabibigyang-diwa ang paksa
- Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
- Nakatutukoy ng mahihinang argumento
- Nakakatulong maiwasan ang writer’s block
Ano-ano ang mga uri ng balangkas?
- Paksa o Papaksang Balangkas (Topic Outline)
- Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)
- Patalatang Balangkas
Ito ay isang uri ng balangkas na binubuo ng mga parirala o salita na siyang mahalagang punto hinggil sa paksa.
Paksa o Papaksang Balangkas (Topic Outline)
Ito ay isang uri ng balangkas na binubuo ng mahahalagang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng sulatin.
Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)
Ito ay isang uri ng balangkas na kung saan, ang binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay.
Ito rin ay tumutukoy sa masinsin na paglalatag ng mga pahayag na kalimitang ginagamit sa mga saliksik na pambatas at panteknolohiya na binubuo ng talataan.
Patalatang Balangkas
Ayon kay John Langan, ito ay tumutukoy sa pabaitang-baitang na pagtuklas sa kakayahang dalumatin ng paksa. Ito rin ay tumutukoy sa alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa kumbensiyonal, (mala) permanente, at nakikitang simbolo.
pagsulat
Ayon sa kaniya, ang pagsulat ay isang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espisipikong lingguwistikong pahayag.
Rogers (2005)