W1L1_Konsepto ng Pananaliksik Flashcards
Layunin: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
Ano ang tawag sa isang maingat at sistematikong pag-aaral at pagsisiyasat sa ilang larangan ng kaalaman na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay ang katwiran?
pananaliksik
Saan hango ang salitang ‘research’?
Ito ay hango sa matandang salitang Pranses na recherchḝ
Anong ibig sabihin ng recherchḝ?
Sa wikang Ingles, ito ay kumakahulugan sa ‘to seek and to search again’
Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng pananaliksik?
- Nadagdagan at lumalawak ang kaisipan
- Lumalawak ang karanasan
- Nalilinang ang tiwala sa sarili
Ano-ano ang tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik?
- Sumagot sa sarili niyang katanungan at patunayan sa sarili ang kaniyang mga pag-aakala at pananaw nito
- Paggalang sa mga datos na nakalap sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa intellectual property at mga taong kakapanayam
- Pagtalaga ng kredibilidad (pagiging orihinal sa ginawang papel)
Ano ang tumutukoy sa isang paraan ng pagnanakaw; kung saan, ang isang tao ay gumamit o humiram ng ideya o gawa ng iba at hindi nilagay ang pinagkunan o binigyan ng credit ang kaniyang pinagkukunan?
plagiarism o panunulad
Saan hango ang salitang ‘plagiarism’?
Ito ay hango sa salitang Latin na ‘plagiaries’
Ano ang literal na kahulugan ng plagiaries?
kidnapper
Ano-ano ang mga anyo ng plagiarism?
- Minimalist Plagiarism
- Full Plagiarism
- Partial Plagiarism
- Source Citation
- Self-Plagiarism
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili nilang salita o paraphrasing.
Minimalistic Plagiarism
Ito ay karaniwang tumutukoy sa iyong ginawa na parehong pareho mula sa iyong pinagkunan. Bawat salita, parirala o talata ay gayang-gaya mula sa pinagkukunan.
Full Plagiarism
Ito ay may dalawa o mahigit pa ang iyong pinagkukunan at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng iyong ginawa. Dito nangyayari ang rephrasing o pagbabago ng ilang salita.
Partial Plagiarism
Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay. Minsan naman ay mali ang ibinibigay na pinanggalingan ng impormasyon o pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa akda ng iba.
Source Citation
Sino ang matatawag na isang ganap na plagiarist dahil gawain nila ang sumulat ng mga sulatin na ginawa ng iba ang inaako na parang sila ang gumawa?
ghostwriter
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ang isang materyal na nalathala na pero sa ibang medium. Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro atbp.,ay may katulad o sadyang ginaya at hindi mo tinukoy kung saan mo ito nakuha o ginaya.
Self-Plagiarism