L3L4_Introduksyon at Layunin Flashcards
Ito ay tumutukoy sa isang maikling talatang
kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa.
Dito tinatalakay ang
mga sagot sa tanong na Ano at Bakit
Panimula o Introduksyon (Rasyunal)
Mga Gabay na Katanungan sa Pagbuo ng Rasyunal
- Tungkol saan ang iyong pananaliksik?Bakit ito mahalagang pag-aralan?
- Anong problema, isyu o katanungan ang nais sagutin ng isasagawang pananaliksik?
- Paano ito maiuugnay sa lokal at global na
konteksto? - Anong mga pag-aaral ang naisagawa na hinggil sa paksang pampananaliksik na nais gawin?
Sa bahaging ito nakalagay ang sanhi o layunin kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong.
Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.
Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral.
Layunin
Ano-ano ang mga disenyo ng pananaliksik?
Kwantitatibo
Kwalitatibo
Deskriptibo
Action Research
Historikal
Case Study
Komparatibo
Normative Study
Etnograpikong Pag-aaral
Eksploratori
Itong disenyo ng pananaliksik at tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng mathematical, estadikal, at mga teknik na pamamagitan ng gumagamit ng komputasyon.
Kwantitatibo
Itong disenyo ng pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Kwalitatibo
Sa disenyo ng pananaliksik na ito ay pinag-aaralan ang pagkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
Deskriptibo
Sa disenyo ng pananaliksik na ito inilalarawan at tinatasa ng mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
Action Research
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
Historikal
Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkahalatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
Case Study
Ang disenyo ng pananaliksik ng ito ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa.
Komparatibo
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay naglalayong maglarawan ng anomang paksa; gayunpaman, naiiba ang diesnyong ito—hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
Normative Study
Ito ay isang disenyo ng pananaliksik na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
Etnograpikong Pag-aaral
Isinasagawa ang disenyo ng pananaliksik na ito kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.
Eksploratori
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bílang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kaniyang paksang
tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
Mga Kalahok at Sampling